Huwag na huwag kang maglalakad ng solo sa Pasay, Rotonda at malamang sa ibang kalye sa ka-Maynila-an. Narito ang isang modus na dapat mong malaman. Nangyari ito ilang taon na ang nakalilipas, malamang nagsitanda na ang mga suspek o minana na ng mga anak nila ang istilong ito.
Ang istilo:
May lalapit na babae at lalaki
bigla ka nang aawayin at sasabihing binastos mo daw ang nobya niya,
ipagsisigawan nila iyon. Makakatawag ng atensiyon sa mga dumadaan pero hindi
sila magtatangkang tumulong sa iyo kasi ang pagkaalam ay nambastos ka nga.
May lalapit nakadamit estudyante,
kakausapin ka kunwari. May mga tatlo o apat katao paliligiran o tatakpan ka.
Malalaman mo na kasabwat pala sila lahat.
Una hihingin ang wallet mo, ang
cellphone mo pati suot mong relo. Dinala
pa ang kaawa-awang biktima sa madilim na gilid ng isang building, buti kako
hindi siya nasaksak pero kinuha lahat pati perang tinipid-tipid niya mula sa
suweldo. Tatlumpung araw niyang pinaghirapan –biyahe mula Western Bicutan
papuntang Padre Faura sa mga ganid lang napunta. Alas-onse na siya ng gabi
nakakauwi ng bahay para lang maghanap-buhay. Samantalang ang malalaking katawan
na iyon at may kasama pang babae ilang minute lang nila aagawin at
paghahati-hatian.
Ni hindi nga bumibiliu yung tao
ng bagong gamit matipid lang ang budget niya bago dumating uli ang sunod na
suwelduhan.
Sana wala nang mabiktima ng
ganung modus. Sana hulihin na ang mga tumatambay sa isang lugar ng mahigit
kalahating oras lalo at madami namang dumadaang sasakyan, imposibleng kung
nag-aabang lang sila ay hindi agad makasakay. Sana makinabang tayo sa mga CCTV
camera na nakakabit sa paligid upang wala ng mabiktima at maobserbahan ang galaw ng mga tao sa paligid at mahuli ang mga
ayaw mgahirap sa pagkita ng pera. Sana ang mga pulis nasa paligid lang at hindi
lang dumarating kapag kailangan. Madaming sana…sana makarating sa kapulisan. Naawa nga ako sa nabiktima nilang nagkuwento sa akin. Sumakay na lang daw siya sa jeep at naupo sa
malapit sa driver para sabihing naholdap siya kaya wala siyang pamasahe.
If you are concern with your love ones, re-share and copy and paste/post this link to your fb, G+ timeline FDLS Online Mag para mabasa nila ang tungkol dito.Thanks for doing that.
No comments:
Post a Comment