Sa
panahon po natin ngayon mataas na ang antas ng teknolohiya. Nakaimbento na ang
tao ng mga paraan para iwasto ang sa tingin nila ay hindi tamang timbang.Nariyan
ang mga iba’t-ibang kagamitang pang-ehersisyo at ang pinaka-pamoso sa lahat ay
ang mga gamot na pampapayat o pampataba, depende sa pangangailangan ng bawat
indibidwal. Ngunit hindi lahat ng uso ay
mabuti, gaya na lamang ng mga kagamitang
pang-ehersisyo bago ka magkaroon nito kung ikaw ay ordinaryong mamamayan,
sakripisyo sa budget mo, mahal nag
karamihan sa mga ito…gayundin ang mga gamot
kailangan din gugulan ng salapi. Higit sa lahat madami sa mga gamot na
iniaalok sa merkado ngayon ay may mga “side
effects” o hindi magandang epekto sa katawan gaya na lamang ng mga
napapabalitang nakapagdulot ng kamatayan sa ilang gumagamit nito.
Dept. of Health (DOH) -Phils. Slogan |
Kung
kalusugan ang pag-uusapan,makabubuting sinauna pa rin ang paraang sundin natin
gaya na lamang ng panawagan ng DOH, yaong slogan
sa itaas.