Platapormang Nais Ko Bilang Pilipino

Agree ka ba na kailangan natin ang mga ito?

Bilang isang ordinaryong mamamayan, nararamdaman ko ang totoong pangangailangan natin. Ang ilan sa mga ito ay napapabilang sa pangunahing pangangailangan natin. Dito natin masusukat ang kakayahang mamalakad ng ating mga nagdaan at kasalukuyang Pamahalaan – kulang ang naging pagpupursigi nila para ipagkaloob nila sa atin ang mga ito. Kabilang kasi ang dito ang ilan sa ating mga pangunahing pangangailangan. (Tagalog/English in BOLD letters)

I. Mga Hanapbuhay at Oportunidad:
Employment and Business Opportunities

Sana po ay maging kasangkapan ang pamahalaan sa pagtuturo ng libreng karagdagan at makabagong kaalaman sa agrikultura at bisnes bukod sa TESDA na may bayad – mapadaan ito sa mga LGU’s  hanggang sa baranggay upang maabot ang bawat Pilipino.

I hope that the Philippine Government shall be instrumental in educating our countrymen with additional and state-of-the-art knowledge in agriculture and business for FREE aside from having the existing TESDA that Filipinos can only avail of when paid. That FREE trainings could have channeled through Local Gov’t. Units (LGU’s) down to barangay level to reach every Pinoy.

- Ang water lily industry na pinaunlad ng mga Villar sa distrito nila ay maaari nating ituro sa mga mamamayan upang mapagkakitaan. Nakagawa po sila ng maraming produkto mula sa Lily. Ang gayong mapagtuklas na kaisipan ay nakatulong sa pagsulit sa paggamit ng mga mapagkukunan (na halos hindi pinapansin at madaling makuha) ay isa lamang tanda ng mabuting halimbawa ng pamumuno na sana ay taglayin ng mga mahahalal nating lider. Hindi lamang iyon, nagkaroon ng hanapbuhay ang marami dahil dito.

Water Lily industry that has been developed by the Villar family in their district (Las PiƱas) is one of a possible income alternative. They have made various products out of it. That innovative thinking attempting to maximize AVAILABLE resources is one good example of leadership ability that I hope be the attitude of our future leaders after these 2016 elections. Not just that, it opened employment opportunities too.

- ang paggamit ng  balat ng mais bilang kahalili ng mga materyales sa paggawa ng plastic products (napanood ko po ito sa ‘How Stuff Works’) kasi po itinatapon lamang natin ang mga ito pwede naman palang magamit at pagkakitaan pa at kaalinsabay pa nito ang pag-iingat sa ating kapaligiran (nababawasan ang harmful chemicals sa paggawa ng plastic kung natural na sangkap ang gamit). May karagdagang trabaho pa sana at kita sa mga magsasaka.

The use of corn How Stuff Works: Corn Plastics in making canisters and other plastic products as I have seen in ‘How Stuff Works’ could have been another source of income and at the same time preserving our environment – sustainable development becomes possible, it is just one of the many options.  A useful product that will also be an employment source and income for the farmers while SAVING OUR ENVIRONMENT.



II. Pagakakaroon ng malinis na tubig na maaring inumin
Availability of Potable Water

Kahit kapag nangyari ito ay tiyak na maraming mawawalan ng negosyo ngunit mas marami ang makikinabang. Naliligiran tayo ng  maraming anyong tubig – sa tingin ko po sistema lang ang kailangan – makinarya sa paglilinis at mga dalubhasa na papatnubay dito. Hay, sa ibang bansa na naman  kapag nanonood ako ng mga cooking shows sa mismong gripo sila kumukuha ng pansabaw sa lutuin. Ganuon kadaling maabot ang malinis na tubig samantalang lamang tayo sa kapaligirang matubig pero tayo bumibili ng mas mahal na tubig-inumin.

Even if this happens, many water-refilling businesses will be affected BUT more people (rather than FEW) would benefit from it. Our country is physically surrounded with bodies of water – in my own opinion we only need a system – machineries for filtering and experts to supervise it. Whew! In other countries as I see when I am watching ‘cooking shows’ they get cooking water DIRECT from the faucet. That is how accessible water is for them, the irony is that we have more accessible resources compared to them but we buy expensive drinking water.

III. Murang Elektrisidad
Low-cost Electricity

Sana po ay magamit natin ang mga available resources sa pagkuha ng enerhiya gaya ng hydroelectric, solar at geo-thermal upang makinabang tayo sa murang elektrisidad.

I hope again to utilize our available resources in extracting energy/power like hydroelectric, geothermal or solar power plant so that we will pay half the cost of electricity we are paying today.

IV. Paggamit ang Lumolobong Basura sa mga Kapaki-pakinabang na Bagay
      Recycling our Ballooning Garbage Problem

Problema sa kapaligiran at kalusugan ang dala ng basurang nakatambak. Bakit hindi po natin pagtuunan ng pansin ang nagawa na ng ilang nakapag-aral na gawing kapaki-pakinabang ang mga ito?

Dilemmas on the environment and health are brought about by piled-up garbage. Why can we not give attention to what others have already done - converting wastes into fuel  etcetera to turn these garbage into gold’?

- ang mga plastic ay mai-recycle din po sa pamamagitan ng pagtunaw at paggamit nito para halimbawa i-convert na maging pvc pipes etc. upang makamura na rin sa materyales ang mga proyekto ng pamahalaan o sa iba pang kapaki-pakinabang na gamit.

Plastics are melted to make other materials like PVC pipes etc. so our Government can use them for government projects to cut on materials costs.

IV. Serbisyong Medikal
Medical Services Subsidized by the Gov't.

Naalala ko kasi yung naipalabas sa tv na dokumentaryo sa mga maysakit na OFW – kahit hirap na sa karamdaman ayaw umuwi (cancer ang sakit) kasi mamatay lang daw sila pag dito at hirap pa pamilya nila – KASI NAMAN LIBRE pala ang pagamot nila sa mga hospital sa Hongkong ata yun o Singapore basta hindi pa paso ang kontrata nila. Nangangahulugan lamang na ang katapusan ng kontrata nila ay katapusan na din ng buhay nila dahil pag-uwi dito sa atin hindi nila kakayanin ang mahal ng chemotherapy – karamihan kasi sa kanila dun na lang natuklasan ang sakit. Salamat sa mga amo ng mga DH na nagbibigay ng pagkakataon na mabuhay sila sa pag-renew ng kontrata nila bagamat sila ay alipin na ng karamdaman. Hindi lamang literal na pagkain ang ibinibigay nila kundi ang pag-asang madugtungan pa ang buhay nila para sa mga mahal sa buhay (karaniwan mga anak) na naiwan dito sa Pinas.

I remember the documentary I have watched about these terminally-sick (of cancer) OFW (Overseas Filipino Workers), although they are really burdened doing their jobs as domestic helper – they refuse to go back home in our country – it is because they are getting FREE MEDICATIONS in hospitals there in Hongkong (?) or Singapore (?), I forgot – as long as their job contract is not yet expired. Meaning, ‘the end of their contract is also the END OF THEIR LIVES’ because going home is NEVER an option knowing that they can not afford medications here and the government does not have any programs for them, correct me if I am wrong. They could not pay for expensive chemotherapy – most of the OFWs had their conditions surfaced while working abroad not before they left the country. I am very THANKFUL to those wonderful, kind-hearted foreign bosses they have for keeping them despite of their health conditions – they are not just giving them bread to eat but HOPE to LIVE longer…for their family (usually children) they left back home.

Sana po ay maging tunay na ‘sagot’  ng gobyerno ang pagpapagamot ng mga Pilipinong maysakit. Sa Makati po ang magpa-opera ay libre tunay na kuwento ito ng mga kaibigan ko cataract-operation ang isa. Kaya kahit hindi taga-Makati gustong kumuha ng yellow card sa kanila…ang maga mahal na check-up libre din, kaya nga ba ang mga lider duon ay sa ‘strength’ binabanatan ng mga kalaban sa pulitika kasi wala silang maipintas sa performance – alam ng mga tuso kung saan ang lakas nila dun sila dapat tirahin para sa bahaging iyon din ang maging dahilan para ayawan sila ng tao. Hindi ko pinapanigan ang mga Binay, nagustuhan ko lamang ang mga benepisyo, proyekto at serbisyo nila para sa mga taga-Makati.

I wish that the government can truly ‘take care’ of sick Filipinos. In Makati, medical operations such as cataract surgery is FREE, this is from a friend’s REAL story (Vice President is not joking when he brags of this achievement – and for me that is commendable). That is why even non-Makati residents wishes to have ‘yellow card’ (that is a health card) from them. Even the expensive check-ups are free. That is why the political leaders in Makati are shot to their strength because they have impeccable performance – a wise opponent knows that the weakness of another can be his strength – and if that performance made them loved by people, that performance can be traced for holes in it. If that can be targeted they know for sure that it is the BEST strategy to defeat them politically. I am not endorsing the Binays and I just admire their projects and works in Makati.



Exploring the Potential of Google Plus on Marketing Strategy

Google Plus spells a great difference on promoting a brand, organization etc. Why?

Everything you post is seen by everybody worldwide even they are not in your circle or  followers (unlike in facebook that there is also a public posting  but that ‘public’ can only see your posts only when they happen to see your account or profile.




In G+, your posts are visible to everybody unless you just choose to share your post to a particular circle (or group) or privately to a single person – there are pre-installed circle choices:

Sharing our Faith Online

Kapatid, nakapasyal ka ba man lang sa official website nating mga INC? Baka matagal ka nang gumagamit ng internet hindi ka man lang nakasilip kahit minsan dito? Lalo na ngayong may mga Pamamahayag ‘on air and online’, kahit walang sabayang gawain magagawa pa rin natin ito. You never have to forget about your favorite social sites, we can use that too. Here are the terms we should be familiar with:

 
Brethrens, were you able to drop by in our Iglesia ni Cristo official website? Maybe you have been using the internet for a long time but you never tried yet to even peek what is inside the online inter-active magazine/website we have. 











Creative Commons License

Creative Commons License
Family, Daily Living & Style by Angelita Galiza-Madera is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.