Pinakikinggan,
binabasa at pinanonood ko ang iba’t-ibang reaksiyon ng mga dalubhasa,
ordinaryong mamamayan at mga kapwa taong-gobyerno ng Pangulo ukol sa nagdaang
SONA. Marami ang samo’t-saring reksiyon sa naging SONA ng Pangulong Benigno
Aquino ukol sa kasalukuyang kalalagayan ng ating bansa bagamat ang SONA ay
masasabing puspos ng stadistika na
masasabi nating siyentipikong basehan. May natuwa, may nakulangan, may
nag-reklamo at may ilang bumabatikos at kalian lamang may grupo at personalidad
na nagsigawa ng sarili nilang bersiyon ng SONA mismo. Mayroon din namang ang
may kababawang pinuna ang ang haba ng
durasyon ng talumpati na inabot ng dalawang oras bagamat hindi naman talaga
nakapagtataka kumbakit – ito na kasi ang huling SONA (State of the Nation
Address) ng ating kasalukuyang Pangulo sa kanyang anim na taong panunungkulan.