Pinakikinggan,
binabasa at pinanonood ko ang iba’t-ibang reaksiyon ng mga dalubhasa,
ordinaryong mamamayan at mga kapwa taong-gobyerno ng Pangulo ukol sa nagdaang
SONA. Marami ang samo’t-saring reksiyon sa naging SONA ng Pangulong Benigno
Aquino ukol sa kasalukuyang kalalagayan ng ating bansa bagamat ang SONA ay
masasabing puspos ng stadistika na
masasabi nating siyentipikong basehan. May natuwa, may nakulangan, may
nag-reklamo at may ilang bumabatikos at kalian lamang may grupo at personalidad
na nagsigawa ng sarili nilang bersiyon ng SONA mismo. Mayroon din namang ang
may kababawang pinuna ang ang haba ng
durasyon ng talumpati na inabot ng dalawang oras bagamat hindi naman talaga
nakapagtataka kumbakit – ito na kasi ang huling SONA (State of the Nation
Address) ng ating kasalukuyang Pangulo sa kanyang anim na taong panunungkulan.
Sa dami ng
pinasalamatan, nalimutan ng ating Pangulo na banggitin man lang ang SAF na
humuli at nagbuwis ng buhay sa mga dayuhang
terrorista. Wala ring pahiwatig sa pag-usad ng kaso at pangangako na sa
kanyang nalalabing mga araw ay bibigyan ng kasagutan ang mga naulila. Sa isang
banda, isipin na lang natin na nanariwa ang masakit na pangyayaring iyon na
aminado naman ang pangulo na siya ay naging bahagi kaya marahil sa pagtalakay
ng kalagayan ng bansa ay bahagyang naisantabi ito. Opo, kalagayan ng bansa ang pinag-uusapan natin – tunay na kahulugan
ng salitang SONA (State of the Nation Address).
Nakaramdam
ako ng inis sa mga humahanap ng “pantas
at madiyekerong” tao sa katauhan ni
Pangulong Aquino. TAO ang pinag-uusapan natin. Tinuruan kami ng aming
Pamamahala sa iglesiang kinabibilanngan ko ng paggalang at pagpapasakop sa
gobyerno hanggat hindi ito nakasasama sa paglilingkod namin sa Diyos kaya ako
ay nakatingin sa positibo. Hindi din
ako suwelduhang tagasunod ng Pangulo pero
gusto kong maging realistiko, ang anim na taon ay sadyang kulang sa dami ng
ayusin sa ating bansa na kahit anong gawin natin hindi natin maitatanggi na
naging bunga rin ng pamamalakad ng mga nagdaang administrasyon. Ang kahapon ay
karugtong ng ngayon, sa tingin ko ay hindi naman naninisi ang ating Pangulo
ngunit nagsasabi lamang siya ng masakit na katotohanan. Isa pa, bawat aspeto, mapa yan ay Agrikultura,
Edukasyon, Enerhiya etc. ay may mga
itinalagang mamuno o manguna – mahirap maipagtagumpay ng “bangkero” ang biyahe kung may kanya-kanya o hindi gaanong
pursigido sa pagsagwan sa mga nagpapatakbo
nito , hindi po ba at ang talinghagang yan ay napakatotoo? Pinili at inilgay
ang mga pinagkakatiwalaan at pumasa sa pamantayan upang manguna, nagawa naman
kaya nila ang kanilang bahagi? Kapag kabilang ka sa mga gabinete ng
administrasyong ito, anomang puna na ipupukol mo ay para rin sa iyo. Bakit wala
kang ginawa o may nagawa ka ba? Salamin ang kailangan natin dito para matignan
ang repleksiyon ng masigasig pumuna.
Hindi ba at
sa lumipas na anim na taon nangyari ang matitinding unos ng kalikasan sa ating
bansa- ang bagyong Yolanda n aging sanhi ng
storm surge na sumira sa milyong pananim, kabuhayan at kumitil sa
napakaraming buhay. Magtataka pa ba tayo
kung bakit tila bahagyang tumaas pa ang insidente ng kahirapan sa mga survey? Kung bakit bumaba rin ang Gross Domestic Product (GDP) –hindi
lahat dapat isisi sa pamamalakad dapat din nating unawain ang kabuuang
sitwasyon. Pati ang kahirapan ng buhay na isinisisi ng ilang mangmang sa
gobyerno at kulang daw ang oportunidad. Bago ka tulungan ng iba, natulungan mo
na ba ang sarili mo? Hindi ba at lagi
kang nasa kalsada para mag-welga…nakakapasok ka pa ba sa paaralan kung ikaw ay
bata pa o may amo bang tatanggap sa iyo na laging absent sa trabaho at dadalo
sa rally? Hindi ko malaman kung hanap-buhay na ito ng iba. May malinaw na
naiambag sa ekonomiya ang administrasyon. Ngunit napapaisip ako kung may
karapatan ba akong kumwestiyon sa trabaho ng Pangulo. Ako ba ay may naiambag
kahit sa sarili ko lamang na pag-unlad? Hindi ba at ang pag-unlad ay binubuo ng
maliliit na yunit ng lipunan na kinabibilangan nating mga ordinaryong mamamayan
at ating mga pamilya? Kapag “Oo.” ang sagot ko dito siguro kahit kaunti ay
nagbibigay na ito sa akin ng lisensiya para
bumatikos.
Nakatutuwa
sapagkat kahit palipas at bilang na ang araw ng Pangulo ay patuloy pa rin ang
kanyang mga tinatapos na proyekto – hindi siya natinag sa mga kontrobersiya at
gingampanan niya pa rin ang dapat niyang gawin kahit pa maraming naririnig na
puna. Ginagawa naman ng administrasyon ang buong makakaya upang makagitna man
lang sa ating ekspektasyon o inaasahan.
Ikaw kaya ang maging Pangulo, baka kahit
plataporma ibabayad mo pa ang paggawa para magkaroon ka. Ang maidadagdag ko pa po tanging salitang “perpekto” lamang ang eksistido, ang
kahulugan nun ay nababasa lamang. Kung ang layunin ng pagpuna ay makatulong
marahil makabubuti kung sa tamang paraan
pero kung may layunin pa na iba, kayo na po ang humusga.
No comments:
Post a Comment