Ang Pagpaplano ng Pamilya

Ang pagplaplano ng pamilya ay hindi lamang makabubuti sa mismong ina na nagluluwal ng sanggol kundi higit sa lahat sa kapakanan ng mga anak at ng buong pamilya.  Isa po ako sa naging representative ng USAID(United States Agency for International Dev't.) sa isang Medical Detailing Project on Family Planning way back some years ago. Dinadalaw po namin ang mga midwives, General Practitioners (GP) at Family Meds(FM). Sadyang hindi kasama ang mga OB-gyne sa aming binibisita sapagkat maaaring hindi lahat sila ay kumbinsido na dapat magplano ng pamilya – mababawasan ang pasyente nila. Ipinapaliwanag namin sa kanila ang mga myths on artificial methods ng FP at pati ang bawat method mismo. Nagkaloob din ng mga standees, posters at aklat ukol sa FP mula sa JOHNS HOPKINS’ University.


Butil ng Kaalaman:
*GP – o General Practitioners, family doctor din sila ngunit may advantage ang mga FM (Family Med) kung rigid training ang pag-uusapan. Naitanong ko ito sa isa sa mga kino-cover kong FM, nakaka-curious kasi kung bakit magkaiba pa ang tawag, pareho namang doktor ng bata at matanda.

Ang madami sa Artificial FP Methods ay REVERSIBLE, pwede nitong maibalik nang muli ang kakayahang makapag-anak pero mayroon ding mga permanenteng pamamaraan. Malayang makapamimili ang mag-asawa. Ngunit sa pagkakaalala ko ang mga edad 35 pababa ay hindi pinahihintulutan ng mga doktor ng permanenteng method sapagkat lubhang napakabata pa, maaari pa raw itong pagsisihan, may ilang kaso lang siguro na pinapayagan lalo at kung sobrang dami na ng mga anak. May posibilidad daw kasi ng child mortality kapag bata pa ang mga anak at gayundin sa asawa. May mga kaso daw kasi na maagang nabiyuda nang muling magka-asawa paglipas ng panahon ay hindi na makapag-anak muli.




Itinatakda lamang ng FP Methods ang tamang panahon kung kalian ka na handang pisikal, financial at maging ang iyong kaisipan sa pagkakaroon muli ng anak.




Bakit Kailangang Magplano ng Pamilya?

1. Upang ganap na maka-recover ang katawan ng ina sa pagbubuntis.

2. Mahalaga ang pag-aagwat sa pag-aanak sapagkat dahil dito nabibigyan natin ng sapat na panahon ang bawat anak sa kanilang paglaki. Nagagabayan natin sila ng maayos dahil hindi madami ang pinaghahatian natin ng oras at atensiyon. Nagkakaroon tayo ng sapat na panahon para makausap o makumusta man lamang ang bawat miyembro ng pamilya, hindi lamang ang mga anak kapag hindi tayo okupado sa dami nila. Baka may problema na pala yung panganay mo – bumagsak sa isang subject, natuto nang humanga o ng puppy love (baka mauwi sa teenage pregnancy kung siya ay mapabayaan at hindi mapaalalahanan ukol sa kanyang mga limitasyon at hindi niya malaman ang mga konsekwensiya ng ilang hakbang na pwede niyang magkamaling gawin). O si mister kaya, baka may mga dalahin sa trabaho na nais man lang ihinga sa iyo, e hindi ka makausap man lang, nakakatakot ang maaring kahinatnan nito dahil baka mapabaling sa iba ang atensiyon niya. Isipin mo na lang, nagpapatulog ka ng baby mo, tinatawag ka nung isa ngpapahugas pagkadumi, yung isa naman hindi mo na namalayan kung nakauwi na ba galing paaralan at yung isa nagapapaturo ng assignment, kailangan mo pang magluto ng hapunan, maglinis ng bahay at paano na kung schedule pa ng laba mo? Mabuti ng mabuti kung may pambayad ka sa maglalaba bawas na iyon sa isipin mo. O, ano kaibigan may panahon ka pa ba sumulyap man lang sa salamin, sa sarili mo?!

Naibibigay natin ang material na pangangailangan ang bawat miyembro ng pamilya, lalo na sa mga average-income earners.


3. Hindi sila nagmumukhang kaawa-awa kapag napapatabi sa ibang bata kasi masasabi nating hindi man sila saganang-sagana sa materyal na bagay ay hindi naman sila nahuhuli. Nagkakaroon ng inferiority complex ang bata kapag naikukumpara niya ang kanyang sarili sa iba at nakikita niyang wala siya ng ibang bagay na karaniwan nang mayroon ang isang batang tulad niya. Mahihirapan tayong ipagkaloob ang mga iyon kung marami ang ating mga anak dahil sa pangunahing pangangailangan pa lamag kapos na ang budget natin. Isa pa, nagkakaroon ng pananaghili kung minsan at iisipin ng ibang anak na may paboritismo kapag isa lamang ang napagbigyan. Medyo mahirap pang magpaliwanag sa maliliit na batang wala pa sa hustong gulang. Hanggat maari, tayong mga magulang gusto natin nakapag-daramit at nakakakain ng maayos ang ating mga anak at sa aminin natin at hindi gusto nating pagbigyan kahit ilan sa munting luho nila. Mahirap gawin yan kapag marami kang anak.

4. Nababawasan din  pati ang stress natin sa pag-iisip kung paano mapupunuan ang pangangailangan nila, “Healthier mind, healthier body…” Nakakatawa pero totoo, hindi ka tatanda sa pangunngunsumi sa pagdidisiplina sa napakaraming anak. Ang tendency uminit ang ulo mo sapagkat sobra kang toxic sa dami ng gawaing-bahay tapos kabi-kabila ang  tawag ng “mommy” sa iyo. Unang-una na nga, hindi  natin dapat silang mapag-initan dahil sa ganyag sitwasyon, hindi mo namalayang ikaw ang naglagay sa sarili mo sa sitwasyong iyan.

5. May epekto rin sa ekonomiya ng bansa ang FP dahil nakokontrol ang paglobo ng populasyon at nagagamit ng makabuluhan ang budget ng gobyerno. Sa pagkakaalam ko ang bansang China ay higante ang populasyon kaya nga doon mura ang “labor” halos lahat ng gadgets o appliances natin kahit hindi duon mula ang materyales  “made in China” sapagkat sa dami ng tao may kakagat at kakagat sa murang pasuweldo kaysa sa walang hanapbuhay. Lumalaki rin ang pangangailangan ng bansa sa bawat aspeto gaya ng medical, edukasyon, pabahay atbp. kasabay ng paglaki ng populasyon. At reyalidad ding masasabi na tumataas ang insidente ng krimen na dulot ng kahirapan, walang maipambuhay sa mga anak nauuwi sa pagnanakaw, panghoholdap, korapsyon at kung minsan pagpatay dahil lamang sa salapi.  


6. Nakabubuti ito sa ating kapaligiran. Sa liit ng teritoryo ng bansa natin makaaambag pa tayo sa global warming dahil tataas ang concentration ng Carbon dioxide at maaring matalo ang suplay ng oxygen (dahil maaaring pati ag mga taniman balang araw ay maging panahanan na din– hindi ba’t global warming ay ang konsentrasyon ng isang uri ng gas. Greenhouse Effect pa nga ito sapagkat kapag humigit ang consentrasyon ng Carbon dioxide hindi na mai-didiffuse ng planeta natin ang init mula sa sinag ng araw  kung nababalutan na tayo nito–gaya ng ngyayari sa planetang Venus, kaya pala kahit mas malapit ang Mercury sa Araw ay talo ito ng Venus kun sa taas ng temperature ang pag-uusapan. Nakaaalarma, hindi ba?! Kaya nga siguro higit ang init na nararamdaman natin ngayon kaysa dati.

Nagiging maligaya ang pamilya kapag maayos na namumuhay at natutugunan ang mga pangangailangan ng bawat miyembro nito mapa yan ay material,panahon, pagmamahal, atensiyon at maging ang edukasyon para sa mga bata. Kaya ang pagplaplano ng pamilya ay matatawag ding PANGANGAILANGAN sa ikabubuti ng isang pamilya.

Dapat ding maliwanagan tayo na malaki ang kaibahan ng Family Planning sa ABORTION gaya ng ipinag-wewelga nung mga hindi lubos na nakakaunawa.  Sa totoo lang kahit itanong ninyo sa mga staff ng Health Centers at mga doctor (Ob-gyne) man o GP at FM hindi sila nag-aadminister ng FP Method (IUD, DMPA) kapag walang menstruation ang tatanggap kahit ang pills ang first day ng pag-inom ay first day ng menstruation. Ganyan ang ginawa sa akin kaya alam ko. Pababalikin ka kapag wala o patapos na ang mentstruation mo.  Ibig sabihin lamang nito TIYAK na HINDI NAGDADALANG-TAO ang isang babae. Kaya papaanong mangyayari ang sinsabi nilang abortion? Kaya pabor ang kinaaaniban kong relihiyon dito. Kasi kailanman ang pagkitil ng buhay ay hindi ikasisiya n gating Panginoong Diyos. Ang hindi pagpa-plano ng pamilya ay maaaring mauwi pa nga sa aborsyon kapag unwanted pregnancy at hindi pa pala tunay na handa ang ilang  magulang ay masisikmura ng ibang gawin ang ganito. Maling-mali na ituring na aborsiyon ang Artipisyal na paraan ng pagplaplano ng pamilya, pabor naman ang iba sa natural na pamamaraan na hindi sigurado kaya nakapagtataka at hindi sila pabor sa mas tiyak na paraan ng pag-iwas.

Dahil sa haba ng paliwanag ko sa kahalagan ng pagplaplano ng pamilya, nais ko kasing makaambag sa ikabubuti ng pamilya mo, ng ekonomiya ng ating bansa, ng ating kapaligiran  at sa iyong sariling kapakanan kapwa ko ina – minabuti kong ibukod ang artikulo ukol sa Natural at Artipisyal na Pamamaraan ng Pagplaplano ng Pamilya. Kung sa tingin mo ay may punto ang mga isulat ko dito makabubuting basahin mo rin iyon upang makapgsimula ka na, maganda rin yung may kaunti kang background pagpunta mo sa doktor para maka-relate ka sa pagpapaliwanag niya.

Narito ang link ng aking Tagalog/Filipino Article on "Family Planning Methods" Natural & Artificial FP Methods


No comments:

Creative Commons License

Creative Commons License
Family, Daily Living & Style by Angelita Galiza-Madera is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.