Platapormang Nais Ko Bilang Pilipino

Agree ka ba na kailangan natin ang mga ito?

Bilang isang ordinaryong mamamayan, nararamdaman ko ang totoong pangangailangan natin. Ang ilan sa mga ito ay napapabilang sa pangunahing pangangailangan natin. Dito natin masusukat ang kakayahang mamalakad ng ating mga nagdaan at kasalukuyang Pamahalaan – kulang ang naging pagpupursigi nila para ipagkaloob nila sa atin ang mga ito. Kabilang kasi ang dito ang ilan sa ating mga pangunahing pangangailangan. (Tagalog/English in BOLD letters)

I. Mga Hanapbuhay at Oportunidad:
Employment and Business Opportunities

Sana po ay maging kasangkapan ang pamahalaan sa pagtuturo ng libreng karagdagan at makabagong kaalaman sa agrikultura at bisnes bukod sa TESDA na may bayad – mapadaan ito sa mga LGU’s  hanggang sa baranggay upang maabot ang bawat Pilipino.

I hope that the Philippine Government shall be instrumental in educating our countrymen with additional and state-of-the-art knowledge in agriculture and business for FREE aside from having the existing TESDA that Filipinos can only avail of when paid. That FREE trainings could have channeled through Local Gov’t. Units (LGU’s) down to barangay level to reach every Pinoy.

- Ang water lily industry na pinaunlad ng mga Villar sa distrito nila ay maaari nating ituro sa mga mamamayan upang mapagkakitaan. Nakagawa po sila ng maraming produkto mula sa Lily. Ang gayong mapagtuklas na kaisipan ay nakatulong sa pagsulit sa paggamit ng mga mapagkukunan (na halos hindi pinapansin at madaling makuha) ay isa lamang tanda ng mabuting halimbawa ng pamumuno na sana ay taglayin ng mga mahahalal nating lider. Hindi lamang iyon, nagkaroon ng hanapbuhay ang marami dahil dito.

Water Lily industry that has been developed by the Villar family in their district (Las PiƱas) is one of a possible income alternative. They have made various products out of it. That innovative thinking attempting to maximize AVAILABLE resources is one good example of leadership ability that I hope be the attitude of our future leaders after these 2016 elections. Not just that, it opened employment opportunities too.

- ang paggamit ng  balat ng mais bilang kahalili ng mga materyales sa paggawa ng plastic products (napanood ko po ito sa ‘How Stuff Works’) kasi po itinatapon lamang natin ang mga ito pwede naman palang magamit at pagkakitaan pa at kaalinsabay pa nito ang pag-iingat sa ating kapaligiran (nababawasan ang harmful chemicals sa paggawa ng plastic kung natural na sangkap ang gamit). May karagdagang trabaho pa sana at kita sa mga magsasaka.

The use of corn How Stuff Works: Corn Plastics in making canisters and other plastic products as I have seen in ‘How Stuff Works’ could have been another source of income and at the same time preserving our environment – sustainable development becomes possible, it is just one of the many options.  A useful product that will also be an employment source and income for the farmers while SAVING OUR ENVIRONMENT.



II. Pagakakaroon ng malinis na tubig na maaring inumin
Availability of Potable Water

Kahit kapag nangyari ito ay tiyak na maraming mawawalan ng negosyo ngunit mas marami ang makikinabang. Naliligiran tayo ng  maraming anyong tubig – sa tingin ko po sistema lang ang kailangan – makinarya sa paglilinis at mga dalubhasa na papatnubay dito. Hay, sa ibang bansa na naman  kapag nanonood ako ng mga cooking shows sa mismong gripo sila kumukuha ng pansabaw sa lutuin. Ganuon kadaling maabot ang malinis na tubig samantalang lamang tayo sa kapaligirang matubig pero tayo bumibili ng mas mahal na tubig-inumin.

Even if this happens, many water-refilling businesses will be affected BUT more people (rather than FEW) would benefit from it. Our country is physically surrounded with bodies of water – in my own opinion we only need a system – machineries for filtering and experts to supervise it. Whew! In other countries as I see when I am watching ‘cooking shows’ they get cooking water DIRECT from the faucet. That is how accessible water is for them, the irony is that we have more accessible resources compared to them but we buy expensive drinking water.

III. Murang Elektrisidad
Low-cost Electricity

Sana po ay magamit natin ang mga available resources sa pagkuha ng enerhiya gaya ng hydroelectric, solar at geo-thermal upang makinabang tayo sa murang elektrisidad.

I hope again to utilize our available resources in extracting energy/power like hydroelectric, geothermal or solar power plant so that we will pay half the cost of electricity we are paying today.

IV. Paggamit ang Lumolobong Basura sa mga Kapaki-pakinabang na Bagay
      Recycling our Ballooning Garbage Problem

Problema sa kapaligiran at kalusugan ang dala ng basurang nakatambak. Bakit hindi po natin pagtuunan ng pansin ang nagawa na ng ilang nakapag-aral na gawing kapaki-pakinabang ang mga ito?

Dilemmas on the environment and health are brought about by piled-up garbage. Why can we not give attention to what others have already done - converting wastes into fuel  etcetera to turn these garbage into gold’?

- ang mga plastic ay mai-recycle din po sa pamamagitan ng pagtunaw at paggamit nito para halimbawa i-convert na maging pvc pipes etc. upang makamura na rin sa materyales ang mga proyekto ng pamahalaan o sa iba pang kapaki-pakinabang na gamit.

Plastics are melted to make other materials like PVC pipes etc. so our Government can use them for government projects to cut on materials costs.

IV. Serbisyong Medikal
Medical Services Subsidized by the Gov't.

Naalala ko kasi yung naipalabas sa tv na dokumentaryo sa mga maysakit na OFW – kahit hirap na sa karamdaman ayaw umuwi (cancer ang sakit) kasi mamatay lang daw sila pag dito at hirap pa pamilya nila – KASI NAMAN LIBRE pala ang pagamot nila sa mga hospital sa Hongkong ata yun o Singapore basta hindi pa paso ang kontrata nila. Nangangahulugan lamang na ang katapusan ng kontrata nila ay katapusan na din ng buhay nila dahil pag-uwi dito sa atin hindi nila kakayanin ang mahal ng chemotherapy – karamihan kasi sa kanila dun na lang natuklasan ang sakit. Salamat sa mga amo ng mga DH na nagbibigay ng pagkakataon na mabuhay sila sa pag-renew ng kontrata nila bagamat sila ay alipin na ng karamdaman. Hindi lamang literal na pagkain ang ibinibigay nila kundi ang pag-asang madugtungan pa ang buhay nila para sa mga mahal sa buhay (karaniwan mga anak) na naiwan dito sa Pinas.

I remember the documentary I have watched about these terminally-sick (of cancer) OFW (Overseas Filipino Workers), although they are really burdened doing their jobs as domestic helper – they refuse to go back home in our country – it is because they are getting FREE MEDICATIONS in hospitals there in Hongkong (?) or Singapore (?), I forgot – as long as their job contract is not yet expired. Meaning, ‘the end of their contract is also the END OF THEIR LIVES’ because going home is NEVER an option knowing that they can not afford medications here and the government does not have any programs for them, correct me if I am wrong. They could not pay for expensive chemotherapy – most of the OFWs had their conditions surfaced while working abroad not before they left the country. I am very THANKFUL to those wonderful, kind-hearted foreign bosses they have for keeping them despite of their health conditions – they are not just giving them bread to eat but HOPE to LIVE longer…for their family (usually children) they left back home.

Sana po ay maging tunay na ‘sagot’  ng gobyerno ang pagpapagamot ng mga Pilipinong maysakit. Sa Makati po ang magpa-opera ay libre tunay na kuwento ito ng mga kaibigan ko cataract-operation ang isa. Kaya kahit hindi taga-Makati gustong kumuha ng yellow card sa kanila…ang maga mahal na check-up libre din, kaya nga ba ang mga lider duon ay sa ‘strength’ binabanatan ng mga kalaban sa pulitika kasi wala silang maipintas sa performance – alam ng mga tuso kung saan ang lakas nila dun sila dapat tirahin para sa bahaging iyon din ang maging dahilan para ayawan sila ng tao. Hindi ko pinapanigan ang mga Binay, nagustuhan ko lamang ang mga benepisyo, proyekto at serbisyo nila para sa mga taga-Makati.

I wish that the government can truly ‘take care’ of sick Filipinos. In Makati, medical operations such as cataract surgery is FREE, this is from a friend’s REAL story (Vice President is not joking when he brags of this achievement – and for me that is commendable). That is why even non-Makati residents wishes to have ‘yellow card’ (that is a health card) from them. Even the expensive check-ups are free. That is why the political leaders in Makati are shot to their strength because they have impeccable performance – a wise opponent knows that the weakness of another can be his strength – and if that performance made them loved by people, that performance can be traced for holes in it. If that can be targeted they know for sure that it is the BEST strategy to defeat them politically. I am not endorsing the Binays and I just admire their projects and works in Makati.




Side Story 1:
Ultimo magandang opisina ng Makati City Hall – para sa akin natural na dapat mukhang Hotel iyon at ang Makati ang central  business district natin. Naruon ang marami sa Multinational companies – dapat lamang maging kapita-pitagan ang Alkalde ng lungsod. Paano mangyayari iyon kung ang opisina niya ay mainit at hindi presentable, baka hindi na siya igalang ng mga dayuhan at may-ari ng malalaking kompanya na bibisita sa kanya at magmukha siyang aba. Kaya being fair to Mayor Binay, tama ang ginawa nilang iyon sa pagpapaganda ng City Hall.

Even the City Hall’s appearance did not evade the scrutiny – for me it is natural and a MUST for Makati to have a hotel-like city hall premise because it is the country’s central business district where multinational companies are mostly located – the office where the city mayor sits MUST really be presentable – we have to accept that it has something to do with how people assess you or your organization – I doubt if big bosses or foreigners from big companies will wish to transact business in a humid, hospital like office with the mayor. The office gives the mayor added confidence to face every guest because the place speaks for his competence how he managed to put-up such a good office for the city. It gives us, Filipinos, something to be proud of –some air of pride. And when we speak of Makati – people have high regards for it.

V. FREE internet nationwide?

Hindi naman sa naiinggit ako sa ibang bansa na hindi  na kailangang magbayad sa telecom companies para makibahagi sa pag-unlad ng teknolohiya, paano ba tayo makakaagapay sa takbo ng mundo – sa ebolusyon ng pamumuhay sa makabagong panahon?!

Not that I envy our foreign counterparts that they do not have to pay telecom companies to join the advancement on technology, how can we abreast with the world’s progress –  lifestyle evolution in modern times if only a FEW can AFFORD this internet technology and not all places nationwide have access.

Bukod sa transportasyon, mahalaga ang gingampanang papel ng komunikasyon sa pag-unlad. Hindi lamang ang mga kalsada na dinaraanan ng mga kalakal at bunga ng lupain ang dapat paunlarin maging ang kakayahan nating pang-komunikasyon sapagkat nagagamit lamang naman natin ang mga daanan kapag nabuo na ang mga transaksyon. 

Aside from transportation, communication plays a vital role in Development. Not only the roads (where goods and farm products pass) have to be fixed, we have to prioritize our ability to communicate because we can only use the roads when deals are made.

Isa sa pinakamurang uri ng komunikasyon ang hatid ng internet. Maari ring makapag-fax, makapag-video call at mai-presenta ng mas malinaw sa pamamagitan ng mga video at aktuwal na larawan ang mga produkto at serbisyong maaring maibigay ng isang mangangalakal. Lalo na kung ang layunin natin ay mapasok ang larangan ng eksportasyon – hindi nga ba at miyembro na tayo ng ASEAN at APEC sana naman itambal ng magiging bagong pamahalaan ang cyber-development dito. Laganap na ang mga negosyo o hanap-buhay online. Madaragdagan din sana ang mga oportunidad na home-based.

Ngunit sana kung mangyari man ang pag-unlad na ito ay kaagapay din namang maprotektahan ang seguridad ng ating bansa at nating mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapanukala ng mga batas na may kinalaman sa mga limitasyon at wastong paggamit nito(internet), sa mga indibidwal at kompanya at maging sa pagsupil sa mga masasamang-loob.

Among the cheapest ways to interact is via the internet. Capitalists can also send a facsimile, make real time video calls and do business more clearly with the use of video and actual photos of the products and services thru internet. This is a MUST if we plan to penetrate exportation – remember, we are already a member of ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) and APEC ( Asia-Pacific Economic Cooperation), I hope that cyber-development could go in PAIR of those for a reliable outcome. Business and job opportunities are prevalent online. BUT if this progress could ensue, I also hope that we can concurrently protect the security of our nation and the inhabitants as well, in formulating bills /law that have something to do with the use and limitations of it – companies, individuals and to abolish bad elements lurking and using the internet.

Sana lang, makapag-proyekto ang gobyerno ng malawakang cyber-development na magiging libre at accessible para sa lahat. Lubhang malaki ang budget natin sa ngayon dahil sa pinaigting na singilan ng buwis, kudos kay Gng. Henares. Ayokong maging negatibo pero ang maaaring makahadlang lamang sa realisasyon nito ay ang mga telecom giants siyempre wala na silang kikitain pag nagkataon.

Again, I hope that our government can realize an extensive cyber-development that can be FREELY accessible to every Filipino. We do have bigger budget this time because of the enhanced tax collections, kudos to Comm. Henares. I do not want to be pessimistic that telecom giants can zero-out this idea knowing they would earn less or nothing at all.

VI. Makapaghalal sa May Kakayahan at Karapat-dapat Mamuno:
      Election of Qualified Leaders

Mangyayari lamang ang  pag-unlad natin sa tulong ng isang magaling, mapagkumbaba at may takot sa Diyos na mga pinuno. Kung minsan ang galing ay nasusukat sa karanasan at mga nagawa na. Ang kapakumbabaan naman ay sa pakikiharap sa taumbayan at pagdinig sa mga opinion at suhestiyon na MAAARING makatulong sa hinahangad na pagbabago-tayong mga mamamayan ang siyang dapat lagi nang maging basehan ng pagpapasya nila kung ano ang makabubuti para sa atin. Kapag may takot sa Diyos- ksabay na nito ang pag-iwas sa mga gawang masama gaya ng pangungurakot, pagpatay at kawalang katarungan.

Our dream of progress can only happen with the help of a proficient, down-to-earth and God-fearing leaders. Sometimes, proficiency CAN BE based on experience and accomplishments. Humility, is the way a leader approaches his constituents – hears them and take opinions for consideration to help attain a big change. We, the citizens should have always been the leaders’ gauge in determining what is good for us. God-fearing leaders – will stay away from stealing, killing and injustice.

Ang kakayahan nating makapaghalal ng mga mabuting mamiminuno ay nahahadlangan ng PANDARAYA tuwing eleksiyon. Kapag sinuhulan ka para iboto si ganito, kunin mo ang pera pero manatili ka sa plano mo. Sundin mo ang nauna mong pasya kahit wala pa sa listahan iyong nanuhol sa iyo. Ang posibilida ng pandaraya ay karaniwang sa ‘bilangan’ nagaganap (kasi wais na ang mga kapwa natin Pilipino ngayo. Ang paraan ng pagboto ay makabago, sana naman po hindi din high-tech ang dayaan.

Our ability to elect GOOD officials is hindered by election fraud. If you are paid to vote a candidate, get the money and stick to your old plans even if it does not include the briber on your list. The possibility of fraud lies in the COUNTING itself (Filipinos are becoming wiser these days)– the voting system is high-tech, I do hope that cheating is NOT also on that same level.

Side Story II (Political Analysis and Observation):

Nangyayari na ang black propagandang ng tulad ng mga nagbabanatang kandidato ngayon sa probinsya namin sa Nueva Ecija noon. Ang gobernador na napakabait ay naakusahan yata ng isang krimen at mukhang pinalabas na masamang tao sa isang istasyon ng telebisyon (trial by publicity). Hindi na nabawi ang reputasyon niya.

Kaya hindi po ako basta-basta napapaniwala ng mga negatibong banat sa mga pulitiko. Mayroong totoo at mayroong gawa-gawa lang.  Hindi lahat ng nakikita natin sa mga balita totoo agad maaring ang mga nakapanood na nasa iba’t-ibang bahagi ng bansa ay napaniwala ngunit kami na mga Novo Ecijano ay naninindigan sa kabutihan ng dating gobernador. Sapagkat ang balita kapag naibalita na – naka-damage na hindi naman sila nag-aadmit ng kamalian kung mayroon man. Kapag iresponsable kang reporter , hindi mo na kailangan magpagod para mangalap ng balita at mga patotoo sa balita mo kasi mayroon ka nang sarili mong gawa, Magpapagod ka pa! Hindi ka naman handang tanggapin ang nakikita mo o ni ang pinatutunayan ng mga pangyayari at mga taong makakausap mo kasi natapos na ang lahat sa isipan mo. Kaya bilib pa rin ako sa mga istasyon gaya ng channel 5 at 7 na patas at totoong walang kinikilingan sa pagbabalita. Responsable maging ang mga mamamahayag nila kaya patuloy ang pagtanggap ng mga pagkilala at parangal mula sa mga pamosong award-giving bodies hindi lamang sa bansa kundi maging sa Asya.

A black propaganda like what is happening today with our politics (pulling down one another by exposing ‘anomalies?!’ ) has happened in our province in Nueva Ecija many years ago. The very kind governor is accused of a crime and is put on trial by publicity in a  tv station. His reputation (throughout the country) is not regained anymore. Not all we see on the news speak of TRUTH, those who have not met the governor personally (is just watching the news) and is not a Novo Ecijano may be fooled but us (constituents) who are lead by that poor man firmly believed of his innocence. 

News, after it was aired on National TV – can make HUGE damage, and media is not admitting mistakes later on if there is – it boils down to responsible journalism. Not editing videos to blame somebody else for an accusation. Hearing BOTH sides of the story not clinging on one side because the other contradicts the reporter’s belief or conviction or he can gain material benefit.  You can not be a responsible journalist/reporter if you REFUSE to let go of your own opinion when hearing both sides and studying circumstantial evidences because you need not go out to find a news item – you already have on your own. That is why I salute channels 5 and 7 for being professional and unbiased in reporting – not just finding a scoop that is a sure HIT without analyzing and weighing the circumstances. Both stations and their journalists are recognized for their fair reports – they received awards from PRESTIGIOUS organizations like Reader’s Digest Asia (for Ms. Jessica Soho’s impartiality and responsible journalism) etc.
May mga akusasyon, may mga dokumento ‘daw’ sa ilang kandidato ngayon na alam naman nating madali lang pekehin at maipagawa sa Recto... Huwag po tayong padalos dalos sa paghusga hindi lahat ng ‘mukhang’ mabait ay mabait na talaga…at hindi rin lahat ng inaakusahan, criminal na – pero huwag din po natin isantabi na maaring may bahid ng katotohanan din ang ILAN hindi naman lahat.  

Ngunit kung papipiliin ka ano bang mas gusto mo yung maingay pero wala naman makitang trabaho o ginawa hindi din natin alam kung hindi talaga kurakot (sila lang sa sarili nila nakakaalam niyan)? Ang taong na iiwan ko sa inyo ay saan at kanino kaya tayo mas makikinabang?

There are accusations, documents ‘as it appears’ to prove(?!) today’s political candidate’s  deficiency  BUT we all know that documents can be forged and falsified – that is how Recto is known for…let us not be random in judgment. Not all who ‘looks good’ is really good…and not all who are accused are already criminals – but let us not set aside that some has a tinge of truth but not all in the news.

If you are to choose, will you go for those talkative politicians but has not shown any accomplishment at all that we are not sure if has not really embezzle funds from our national coffers (they only knew it for themselves)? The question to ponder on is where and to whom can we benefit more?

May mga kandidato po na tunay na mabait pero kung minsan ang tagumpay ng pamamalakad nasa karanasan din – bawas na ang trial and error stage. Naiiwasang maging dummy o tau-tauhan at di kailangan ng maraming adviser kung talagang alam ang gagawin.

There are candidates today that are really kind-hearted BUT the success in governance sometimes lies in the experience of the leader – lessens the ‘trial and error stage’.  Being a dummy is NOT a consideration and does not need a lot of advisers if he really knows what he is doing. Listening to experts’ advise is welcome but not necessarily deciding from it.

Kailangan natin imulat ang mata sa nakikita natin at pakiramdam. Pero hindi ko po malilimutan si Gob. Edno Joson dahil dun lamang po ako nakakita ng literal na dinudumog ng tao walang nambabalyang mga guwardiya. Pagpasok mo sa opisina hindi mahulugang karayom dahil puno ng tao at si gob kasama nilang nakatayo duon. Napaka-mapagkumbaba niya at malapit sa tao parang ang dating Pangulong Ramon Magsaysay. Samantalang sa opisina nung dating alkaldeng namayapa na daraan ka sa sekretarya itatawag ka pa bago makapasok at daming kabuntot na guwardiya ni dulo ng daliri hindi mo makamayan. Scholar kaya ako ni Gob nung kolehiyo pa ako, isa po ako sa nakatikim ng allowance mula sa pamahalaang panlalawigan. Nalungkot din po ako nung ikulong siya. Dami nga pong tao ang nagalit nuon at nag-welga sa harap ng kapitolyo, sinubaybayan ko iyon sa tv sa bahay kahit wala kami duon nakikisimpatiya kami kay Gob. Wala ding nangyari – panahon ng eleksiyon magpapatayan?! Obvious na ang magiging suspek siyang kalaban bakit niya gagawin iyon?! Sa totoo lang, hindi kailangan gawin iyon ni Gob dahil mula at mula pa lahi na nila ang pinagkakatiwalaan at inihahalal ng taumbayan. Hindi ko po alam kung ‘koneksiyon’ ba o ‘galing ng abugado’ ang naging usapan nuon…

We have to open our eyes on what we see and feel. But I have to tell you I can not forget Gov. Edno Joson – because until now I cann say that he is the only politician that was literally mobbed without the security aides. When you enter his office, you can not find the needle you dropped because it is filled of farmers and other citizens waiting to tell him their stories and requests. He is among the people standing inside the room that looks like an over-loaded elevator. He is so humble and close to the people – he dressed simply, speaks softly and ever pretends to smile all the time nor waves his hands like how the late President Ramon Magsaysay has been closed to people.  Compared to the assassinated mayor (running for governor too that time), you have to passed the secretary and be asked first inside if you are welcome to come in and was escorted by tons of bodyguards- you really can not touch the tip of his finger unlike the governor that never shows he is not our level. I was then one of the many college scholars of the Provincial Government being deprived of the valedictorian title – not having a free tuition in college. I was among his grantees of the allowance – we have not personally met but I know he helped me and other students regardless of their academic average as long as they have the urge to finish college. A lot of people protested and made noise hoping to be heard on their cry for the freedom of the governor, they surrounded the Provincial capitol never wanted to give him to the authorities. Many literally cried for the little, thin but kind-hearted man being arrested for a ‘crime?’.

Election period that time, if you are to kill your rival – you will be the primary suspect. The governor need not do that because if you are to visit our Provincial Capitol the photos of the past governors are displayed on its walls – all from his clan. Since the old days, people trust them and elected them. Very FEW know that someone who will really benefit from it must have orchestrated everything. Dreaming that the sympathy vote that was earned by former President Corazon Aquino could happen. I had to stop there. Because of that, the former governor became an inspiration to me – not to randomly take what is fed on the news. There is always the benefit of the doubt to consider especially if the news is empty – not packed with CLEAN and VERIFIABLE evidences plus reliable witnesses.

VII. Kapayapaan at Katahimikan
        Peace and Order

Naniniwala po akong ang katahimikan at kapayapaan ay hindi lamang sa balikat ng magiging pangulo nakaatang. Kasama sa pagsasakatuparan nito ang mga mambabatas na magpapanukala ng mga batas na lulupig at magsisilbing babala sa mga criminal. Maging ag mga pulis, sundalo atbpng. puwersang pang-seguridad ng bansa na siyang magpapatupad nito at napakahalga rin ang pakikipag-tulungan  ng mga mamamayan.

I also believe that peace and order does not necessarily lie on the shoulder of the incoming President of the country. It still lies on the law-makers to establish fearful laws for the criminals and for the policemen and armed, naval forces (and other security personnel) – and the collaboration with the citizens.

Sana hindi LAHAT ng mga pulis laging nasa istasyon, ngunit kailangan din amang may tatanggap ng mga tawag at naka-standby na din dun sa pag-responde. Dapat MAY lagging nakabantay sa mamamayan sa paligid. Bago pa sila tawagan nandun na sila, matatakot pati mga masamang elemento na gumala kapag may police visibility sa lansangan. Kung maibabalik ang parusang bitay (sa mga killer, rapist, drug pusher at users) baka makabawas ito sa lumalalang insidente ng krimen. Ang pagiging mapagmatiyag at ang mga pribadong CCTV ng mga ordinaryong mamamayan ay makatutulong din sa pagre-report kung may mga kahina-hinalang tao o dayo sa paligid. Mauunahan ang krimen – dapat po sana mapalakas ang paglaban natin dito hindi lamang ang paghuli sa mga criminal. Dahil wala tayong huhulihin kung walang krimeng magaganap.

The policemen should not always be in their station (just a few of them to receive complaints and responders etc.) because they can be notified by the station if a reported incident happened within the area of their responsibility – if the men are posted on strategic locations throughout the country. There must be police outposts at a particular distance. But I think we still NEED to recruit MORE POLICEMEN to realize this. Before they could have been called for help they are already in the vicinity. There are just a few minutes to respond.

Kaya tanggapin na natin ang mga regalong mobile cars and kagamitan ng US – gusto lang naman nila ng ka-alyado at makatulong kaya nila ginagawa iyan at sadyang madami silang budget para makapag-donate. Sabi ng iba ayaw daw pumayag nng ilan kasi hindi na daw bibili, hindi ba pabor sa atin iyon? Sa iba hindi kasi may kurakot kapag may binibili, kapag walang bibilhin – wala din silang ibubulsa.

We should have accepted gifts of mobile cars and stuff from the US – they just wanted us to be their friends, they wanted to help too and that is just loose coins from their budget.  We do not have to think always of reasons why foreigners are kind to us. That is charity and friendship.  Other government officials never wanted to accept it. Others commented that because there is no need to purchase meaning no money to put in their own pockets…


Disclaimer:
This Blog and its Editor is NOT in any way ENDORSING candidates for elections, some politicians have been mentioned just because of the commendable deeds or projects needed to be disclosed for example purposes. 

Wala pong layunin ang Blog na ito at ang Editor na mag-endorso ng sinumang kandidato. Nailahad lamang ang mga pangalan ng ilang politikong may kahanga-hangang proyekto at nagawa bilang patotoo sa halimbawa.

No comments:

Creative Commons License

Creative Commons License
Family, Daily Living & Style by Angelita Galiza-Madera is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.