APEC 2015


These are the APEC Economic Leaders’ Declarations and my opinions and interpretation on it.
Naririto ang ipinangakong commitment at deklarasyon ng mga bumubuong lider sa APEC summit.

-Condemns all act of terrorism. Stressed the need for urgent international cooperation on the fight against terrorism.

Ang mga lider ng APEC lahat ay laban sa mga gawa ng terrorismo. Binigyang-diin ang pagtutulungan sa paglaban sa terrorismo.

-Eradicating internal poverty is among their solutions

One deep root of terrorism is poverty.  Internal o r within the country eradication of poverty by empowering every individual and encouraging t participate in business not just remain content with being employed.

Naniniwala ang mga lider ng bawat bansang kasapi sa APEC na isa ang kahirapan sa malalim na ugat ng terorismo.

Ang pagsugpo sa kahirapan sa loob ng isang bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga indibidwal at paghikayat sa kanila na magnegosyo at huwag lamang maging kuntento na maging ordinaryong empleyado.

-Address inequality to make prosperity happen.

True, having prosperity in just a particular region does not mean over-all development. This ensures that no one is being left-out, whatever sector in the society, trade or industry and population.  There is still this so called discrimination with our Muslim brothers – that they were preferred last when applying for jobs , others get desperate to live that choose to join the leftists not being given fair chances  for a job.



Tunay na ang pag-unlad sa isang lugar ay hindi nangangahulugang pang-buong bansa ang kaunlarang ito.  Kailangang matiyak na walang napag-iiwanan, kahit ano pang aspeto ng lipunan; sa pangangalakal o industriya at ang mismog populasyon.  Mayroon pa ding diskriminasyon sa mga kapatid nating Muslim – na madalas nasa huli sila ng listahan ng mga natatanggap sa trabaho. Ang iba tuloy ay naitutulak natin na maging desperado sa paghahanap ng mapagkukunan hanggang sa mapabilang na sila sa mga samahang nag-aalok ng masaganang buhay at pagkakapantay-pantay at kung minsan ay rebelyon sa pamahalaan. .
-Recognize the importance of all units of the society and population as well as businesses Micro-Small-Medium enterprises (MSMEs) to achieve inclusive growth.

Inclusive growth does not focus on the growth of currently big businesses but to further the advancement of Micro, Medium and Small Enterprises. Empowering entrepreneurs on MSMEs will make the economic growth possible – providing training and more business opportunities to be brought about by the proposed FTAAP – facilitating documentation and processing of exports and trading for business expansion .

Ang pag-unlad ng isang bansa ay hindi lamang nakatuon sa paglaki nang dati nang malalaking negosyo kundi sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga Micro, Medium at small enterprises.  Pagpapaunlad sa  mga maliliit na namumuhunan ang magiging daan sa paglaki ng ekonomiya – pagkakaloob ng mga pagsasanay at mga karagdagang oprtunidad pangkabuhayan ang layunin ng Free Trade Agreement sa Asia Pacipico – pagpadali ng dokumentasyon o pagproseso ng pag-eeksport at pagkakalakal sa ibang bansa para sa pagpalawak  ng negosyo.

-Commitment of APEC member economies

The commitment of every country in the Asia Pacific region as well as the businessmen in implementation and application of the established rules and policies to better trade and economic aspect – elevating from verbal agreement and putting everything in action.

Ang pakikipagkasundo at pagtugon ng mga miyembrong bansa ng APEC para maipatupad ang mga layunin, panukala at pollisiyang napagkasunduan sa kumperensiya para higit na maisaayos ang aspetong pang- kalakalan at pang-ekonomiya.

-Investing in human capital development.

Human capital investment is of big importance because it is REAL people who run the businesses – providing updated information and breakthroughs on their field of endeavors as well as proper training will make key players in the economic growth armed with the needed equipment to realize industry growth.  From time to time technology change and innovation takes place – being left out could mean to slow-down progress.  A typical example is the employment of accounting software to automatically record daily business transactions as well as track inventories and supplies-the use of the software requires knowledge and skill for the operator to manage it. Manual accounting requires additional work force plus budget and a waste of precious time where there can be real-time posting thru computers.

Ang pamumuhunan sa mga tao ay may malaking importansiya dahil, ang tao ang siyang tunay na nagpapatakbo ng isang negosyo. Ang pagpapaabot nng mga napapanahong impormasyon at mga bagong tuklas na mga pamamaraan sa bawat larangan ng paggawa at ang tamang kasanayan ay makatutulong sa mga pangunahing bumubuo sa pag-unlad ng ekonomiya sa tulong na din ng mga makabagong makinarya at kasangkapan. Karaniwang halimbawa nito ay ang paggamit ng Accounting software, kung saan ini-lo-log sa computer ang mga nabentang produkto, halaga, nalalabing produkto o imbentaryo- automatic na ang posting at real-time, agad-agad nalalaman ang mga balance sa isang pindot lamang. Kumpara sa manual na paraan a nangangailangan ng mas maraming empleyadona susuwelduhan sa pagsasagawa gaya ng bookkeeper, sales clerks, inventory clerks, etc. at napatatagal ang pagkuha ng datos na kailangan mahalaga ito sa mga nagsisimula pa lamang na negosyo at wala pang gaanong kapital. Ngunit mangangailangan ito ng pagsasanay o training upang magamit ang software.

-Enhance regional economic integration agenda.

Develop participation of every country that belongs to the region in economic trades.

Pagapapalawig ng partisipasyon ng bawat bansa sa rehiyon ukol sa kalakalang pang-ekonomiya.
Pagpapaunlad sa mga MSMEs na nasa rehiyon.

Only in the encouragement of MSMEs that the government’s economy can have large impact on ordinary people and their lives.  Making funds available for them thru local government units and establishment of government-subsidized cooperatives will help a lot.

Sa pamamagitan lamang ng pagtulong sa MSME’s nagkakaroon ng tuwirang epekto sa pamumuhay ng ordinaryong mamamayan ang gobyerno.  Paglalatag ng mga pondong maaaring ipahiram at gawing puhunan o capital ng mga indibidwal na mamamayan ay maaaring maging daan sa kanilang sariling pag-unlad.  Ang bawat negosyo gayundin ang mga namamasukan dito ay nagbabayad ng buwis sa pamahalaan, karagdagang kita nila ay pagtaas din ng koleksiyon ng pamahalaan.  Ang mga buwis na ito ay nagagamit naman sa mga proyekto  – mga imprastraktura gaya ng mga sementadong daan, hospital, health centers atbp.

-Impact people’s lives and the economic development towards free trade in the Asia Pacific Region.

Makapagdulot ng pagbabago sa indibidwal na pamumuhay ng mamamayan kapag naisagawa na nag malayang kalakalan ng mga bansa sa APEC region.


-President Aquino stressed that innovation starts with– proper appreciation of the problem.

The REAL problem must be identified to reach the most relevant and worthy solution before embarking on innovation.  What needs to be innovated, is it just the machines or the operators themselves? Orsimultaneous?

San-ayon ako sa sinabi ng pangulo na kailangang alamin ang tunay na SULIRANIN upang maisagawa ang angkop at kapaki-pakinabang na solusyon bago magsagawa ng hakbang pagbabago.  Ano bang kailangang baguhin o solusyunan? Ang mga makina ba o iyong mga nagpapatakbo ang kailangan  ng kaalaman o pareho?

-Promotion of susatainable development.

Sustainable Development –does not only mean progress at the moment BUT for longer terms and to impact future generation thru environment preservation, human safety concerns and technology advancement with lesser risk factors.

Ang pang-matagalang pag-unlad  - hindi lamang maunlad ngayon at bukas bahala na. Gaya ng mga bagong tuklas na mga makina at pamamaraan, ang mga ito ba ay hindi nakasisira ng kalikasan at kapaligiran?  Baka wala na tayong ligtas na matitirhan sa paglipas ng panahon para sa hinahaharap na henerasyon dahil sa polusyon sa tubig, hangin at lupa.  Dapat isinasa-alang-alang natin ang kapakanan ng buhay ng tao at kalikasan sa bawat paghakbang tungo sa kaunlaran.  Dahil sino ang makikinabang ng mga paghihirapan natin kung mapupuksa tayo at ang kapaligiran natin.

Kapag wala nang mabuhay na  puno at halaman sa maduming lupa, tubig at hangin dahil sa hindi pinag-isipang PARAAN ng pagpapaunlad ng teknolohiya kasunod na din tayong mapupuksa dahil saan tayo kukuha g oxygen? Nakababahala din ang kakulangan ng malinis na tubig na maaaring inumin.  Sa bansang gaya natin na naliligiran ng tubig huwag sana sikilin ng pagnenegosyo ang pag-tuklas ng mas murang tubig. Bakit ang kayang gawin ng mga may puhunan (ang mag-filter ng tubig) ay hindi kayang gawin ng gobyerno? Sa Dubai na isang disyerto hindi nararamdaman ang kawalan ng tubig kung minsan teknolohiya  at pondo lang ang kailangan.  Bakit hindi sumugal ang gobyerno dito?

Gaya na lamang sa internet , kapag naging libre ito sa bansa natin babagsak ang malalaking negosyo na nagbebenta nito – ang buwis ba nila ay sapat para matumbasan ang pag-unlad ng bawat mamamayan sa larangan ng komunikasyon? Hindi tulad ng sa ibang mauunlad na bansa na libre hindi maiiwasang umunlad ang kaalaman at kasanayan ng paggamit dito ng mga ordinaryong tao.


- CLIMATE CHANGE – resource scarcity.

Climate change spells scarcity of supply being the crops and animals/poultry/fish are not like humans that can work-out solutions to easily adapt on the changing climate.  When crops/animals/fishes die and destroyed by flood, uneven rainfall, heated bodies of water and arid farms we are threatened to have livelihood and food as well as if there is – the supply becomes costly.

Ang pagbibigay-pansin sa Climate Change na dala ng pagtrato natin sa kalikasan – ang pagbawas o pangangapos ng suplay ng pagkain at iba pang mapagkukunang likas na yaman dahil sa mga kalamidad gaya ng malalakas na bagyo, daluyong ng dagat, tagtuyot at pagyeyelo sa ibang dako.

Kapag kinukukang ang suplay, at marami ang nangangailangan- tumataas ang presyo ng produkto.  Maraming mga pangyayari sa kalikasan na hindi nai-predict o nahulaan ng mga siyentipiko at eksperto. Madami tayong napapanood na balita ng fishkill, pagkamatay ng mga pananim dahil sa bagyo at baha maging dahil sa tagtuyot at kawalan ng ulan.

Ang isinagawang pagpupulong ay pagpapalawak ng kalakalan at pagpapaalala sa pagharap sa mga hamon at peligro ng pag-unlad sa rehiyon.

No comments:

Creative Commons License

Creative Commons License
Family, Daily Living & Style by Angelita Galiza-Madera is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.