Showing posts with label Istilo ng kawatan sa kalye. Show all posts
Showing posts with label Istilo ng kawatan sa kalye. Show all posts

Modus sa Kalsada ng Metro Manila

Huwag na huwag kang maglalakad ng solo sa Pasay, Rotonda at malamang sa ibang kalye sa ka-Maynila-an. Narito ang isang modus na dapat mong malaman. Nangyari ito ilang taon na ang nakalilipas, malamang nagsitanda na ang mga suspek o minana na ng mga anak nila ang istilong ito.

Ang istilo:

May lalapit na babae at lalaki bigla ka nang aawayin at sasabihing binastos mo daw ang nobya niya, ipagsisigawan nila iyon. Makakatawag ng atensiyon sa mga dumadaan pero hindi sila magtatangkang tumulong sa iyo kasi ang pagkaalam ay nambastos ka nga. 

May lalapit nakadamit estudyante, kakausapin ka kunwari. May mga tatlo o apat katao paliligiran o tatakpan ka. Malalaman mo na kasabwat pala sila lahat. 

Creative Commons License

Creative Commons License
Family, Daily Living & Style by Angelita Galiza-Madera is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.