My ten year-old daughter suddenly becomes so conscious with
how she looks, the mirror on the wall that has been hanging there for a long
time begging for attention now turned into my Angel Reign's favorite nook.
Ang aking sampung
taong-gulang na anak ay bigla nang naging mapansinin sa hitsura niya, yung
salamin na matagal nang nakasabit sa dingding na tila nagpapansin ay naging
paboritong sulok ni Angel Reign.
Oh my! I am surprised to find-out that she is a little bit
getting serious with having a crush. Imagine having her crush's name as her
mobile hotspot's password?! Before I am just vexing her about this boy, a friend's son, who is known to be her
admirer. Just a not so serious thing at all.
Naku, nakagugulat na
tila baga seryoso na siya sa pagkakaroon ng nagugustuhan. Mantakin mo pangalan
ng crush niya ang password ng wifi hotspot ng cellphone niya?! Dati-rati
nakikiharot lang ako sa kanya dun sa anak ng kaibigan namin na batang may gusto
raw sa kanya. Biro-biro lang ba...
Children need to feel
that parents are open to the idea of them having such feelings that naturally
occur sideways during puberty. As their physical body changes, the hormones that brought
those changes also affect their mental and emotional being. And it is important that they
know that this is a 'welcome thing' because this is
crucial getting their trust in this very
important matter that really needs extreme parental guidance.
Kailangan ng ating mga
anak na makaramdam na tayong kanilang mga magulang ay bukas sa ideya ng
pagkakaroon nila ng gayong damdamin na kasabay na sumusulpot sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata. Habang unti-unting nagbabago ang kanilang pisikal
na kaanyuan kaalinsabay nito ang mga pagbabago sa kanilang damdamin at
kaisipan. At mahalagang malaman nila na 'ayos lang'
sa atin ito dahil malaki ang kinalaman nito sa pagkuha natin ng tiwala nila sa
mga ganito kaselang bagay na tunay na nangangailangan ng patnubay nating mga
magulang.
If we, parents, get impulsive upon hearing the most handsome
guy or the prettiest girl or the brightest in the class who has often been the
hero in your child's stories then took
it negatively and scold the child about it, we are just teaching them to start lying sooner or later. Of
course, we have a hint right away of what is 'between the lines' - no matter how we deny, this is part of their growing-up. What is important is that we make sure, we
are ready to listen and they are confident that we are a FRIEND.
Kung
magpapa-bigla-bigla tayong mga magulang sa sandaling makarinig tayo ng mga
kuwento ng ating anak kung saan bidang-bida ang pinaka-cute o pinakamatalinong
bata sa klase - kapag nagalit tayo o nagsermon - matuturuan natin silang
magsinungaling o magtago sa kinalaunan.
Syempre, nakakahalata na agad tayo kahit hindi pa tuwirang sabihin ng
bata sa atin ang nararamdaman- kahit anong tanggi natin, bahagi ito ng paglaki
nila. Ang mahalaga matiyak natin na handa tayong makinig at tiwala sila na tayo
ay 'kaibigan'.
Parents too will feel secure having the confidence that
children turn to them in all sort of these changes - along the way, advices on
how the child should properly react on some situations they might encounter, we
can freely give them without any hint of rejection on their part.
Makakaramdam din tayo
ng seguridad na tiwala ang bata sa atin; at sa atin sila tatakbo kapag dumating
ang ganitong uri ng mga pagbabago - ang mga payo kung papaano nila ito
hahaharapin - ang iba't-ibang sitwasyon, ay maalwan o maluwag nating
maipagkakaloob ng walang anumang pagtutol sa panig nila.
Parents or guardian (in cases that the parents are not around
- abroad or gone early) can guide them every step of the way and remind about
their:
Ang mga magulang (o
guardian na tumatayong magulang - kung ulila na ang bata o nasa abroad ang magulang) ay makaaakay sa
mga bata sa pamamagitan ng pagpapapaalala ukol sa kanilang:
1. Limitations (limitasyon)
Boundaries on interaction with the opposite sex. Limitations on going-out with friends
involving the object of affection...
Hangganan sa
pakikisalamuha sa may ibang kasarian. Limitasyon sa lakad na kabilang ang
nagugustuhan.
2. Awareness of everything that could somehow endanger their reputation being respectable
individuals - boy or girl.
Pagbibigay-kaalaman sa
mga bagay na maaring makasira ng kanilang reputasyon bilang isang
karespe-respetong indibidwal -babae man o lalaki.
Since children appears like a blank 'canvas', we have to
start from scratch. Tell them this is good or this is bad depending on our
perspective. Example my own as a Christian, I want my daughters to grow
decently - guys around are okay - but I prefer the old Filipina ways. The girls
do not reveal their feelings no matter what no showing-up and never make the
first move or give motives to boys.
Dahil ang mga bata ay
parang bakanteng papel na pipintahan, kailangan nating magsimula sa wala. Turuan natin sila kung alin ang tama o alin
ang mali depende sa ating paniniwala.
Halimbawa, sa akin bilang Kristiyano, nais kong lumaki ang mga anak kong
babae ng disente - ayos lang ang mga nakapaligid na kabataang lalaki - ngunit
mas gusto ko sana ang sinaunang kaugalian nating mga Filipina. Ang mga
kababaihan ay hindi nauunang magpahayag ng damdamin at nagpapakita ng motibo ng
pagkagusto sa lalaki.
It is difficult to rear a child these days in terms of
influencing their behavior and actuations - tons of media influences are
scattered around even tv programs promoting or setting example of getting in to
relationship are getting younger these days, I am not anymore surprised that
even games on Android devices relay the same message - the dress-up (like an
adult), the love match (even Talking Tom
cat game has a Talking Angela), the
make-up thing games, marriage-related games etc. Before we could start speaking
to them they already have their pieces of information picked-up from all over.
Sa totoo lang, mahirap
magpalaki ng bata sa ngayon kung ang pag-uusapan ay impluwensiya sa kanilang
kilos at pag-uugali - sagana kasi ang impluwensiya ng media sa paligid, kahit
mga programa sa telebisyon ay humihikayat o nagpapakita ng halimbawa ng mga
batang-bata pa na pakikipag-relasyon.
Hindi na ako nagugulat na kahit mga laro sa mga Android na gadgets gyundin ang mensaheng ipinararating - yung
mga pag-aayos dalaga, pag-ma-make-up, pagtatambal tambal (ultimo si Talking Tom na pusa may Talking Angela na) at kung ano-ano
pa. Bago pa tayo makapagsalita sa mga
bata mayroon na silang sariling pagkaintindi sa mga bagay bagay na napulot nila
sa kung saan-saan.
In addition to that, if very young kids are always beside late
teenagers - the late teens unintentionally influence them thru stories of boyfriend-girlfriend
thing etc. These children get curious too. I can not forget a thirteen year-old
talking to my daughter about the 'car
love scene' in Titanic movie, I came rushing from the dirty kitchen hearing
the older girl talking to my then seven-year-old daughter about that. I
admonished her not to tell such kind of stories to little children. I nearly
lose my temper that day! I kept myself calm and thought of the best thing to do
although I admit it is really hard to handle, the child is a friend's daughter.
That is why I am always all ears even I am busy with the chores and I wanted to
make sure that my children are just playing nearby. If remain uncorrected, it
may look like nothing is bad.
Dagdag pa, kung ang
mga sobrang bata pa ay laging nasa tabi ng mga tinedyer (17up)- hindi man nila
sinasadya nakaiimpluwensiya sila dahil sa mga kuwento nila tungkol sa
kasintahan. Ang mga batang ito ay nagkakaroon ng maraming tanong sa isipan nila
gaya ng ano kaya ang pakiramdam ng gayon atbp. Hindi ko nga malimutan ang isang
trese anyos na bata kausap ang panganay ko na pitong taong gulang pa lang noon
- ang ikinukuwento ay ang maselang eksena nina Jack at Rose doon sa car nila ginawang motel sa pelikulang Titanic. Nagmamadali po akong humangos
mula sa may lababo pagkadinig ko niyon talagang itinigil ko ang paghuhugas ng
plato at kinausap ang dalagita na huwag niyang kuwentuhan ng ganun ang mga mas
nakababata sa kanya. Muntik nang maubos ang pasensiya ko nung araw na iyon.
Kumalma lang ako at nag-isip nga kung anong tamang gagawin. Kaya lagi na ay
nakikinig ako habang naglalaro ang mga bata at mas gusto kong nasa abot tanaw
ko lang sila. Kung hindi sila maitatama sa mga ganung pagkakataon, hindi nila
maiisip na may mali o hindi dapat.
Being a friend to them extinguishes the fear of rejection and
will lead them away from rebellion.
Things like asking "how is your
day?" will start a conversation.
DO NOT bombard your child with direct questioning that might appear like
you are pushing - we had to balance
everything. Giving them misperception that we are absolutely okay or agree
with it may also give them the permission of having this so called 'boyfriend'
when the idea that we really wanted to imply is that 'admiring someone at that young age (10-17yrs.old)
is but a normal thing BUT having a relationship so early is NOT a good thing.
It becomes over-indulgence that will eventually result to regretful situations
later on and that everything has the right time.
Kung kaibigan ntin sila
nawawala ang takot nila na sila ay pagbawalan o pagalitan dahil duon nalalayo
sila sa pagrerebelde. Yung simpleng pagtatanong lang ng "Kumusta ang maghapon mo?" ay simula na ng mahabang usapan.
Huwag siyang atakihin ng direktang pagtatanong na para bang itinutulak pa sila
- kailangan nating balansehin ang lahat. Ang pagbibigay sa kanila ng maling
pagkaunawa na para bang okay lang sa ati ang lahat o payag tayo na magkaron ng
bf o gf agad sila- pero ang totoo pala ang ibig lang natin sabihin ay okay lang
humanga sa batang edad ngunit ang pagkakaroon ng relasyon sa napakamurang edad
ay hindi mabuting bagay. Nasosobrahan naman kapag ganun na maaaring mauwi
kalaunan sa sitwasyong maaring ikapgsisi ng bata. Ipaunawa natin na ang lahat ng bagay ay
"may tamang panahon", sabi nga ni Lola Nidora ng AlDub.
Another thing about having children's trust is that being aware, we can regulate even their whereabouts. Most of the children who had been in a compromising
situation had been the result of parent's leniency or harshness with their
children.
Ang isa pang mabuting
bagay kung tiwala ang bata sa atin, maari nating matunton at mismong tayo ang
makakakapag-giya sa mga lakad nila.
Karamihan sa mga bata na nalagay sa isang hindi kanais-nais na sitwasyon
ay naging resulta ng kaluwagan o kahigpitan ng mga magulang.
-Too much freedom like letting them sleep just anywhere in
not so important situations especially girls, make them PRONE to abuse and
things like rape with consent. There is a tendency that the bees will come when
the parents are not around. Knowing about the children's emotional stage can
somehow help us make firm decision whether to give- in to such requests.
Ang sobrang kalayaan
katulad ng pagpayag nating makitulog sila kung kani-kanino (hindi malapit na
kaanak) sa hindi naman mahalaga at kailangang sitwasyon lalo na ang mga batang
babae, nailalapit natin sila sa pagka-abuso o panggagahasa ng may pahintulot. Maaring
makakita ng pagkakataon ang mga 'bubuyog'
na makalapit sa kanila dahil wala ang magulang sa paligid.
-Severity like humiliating them or scolding might resort to
emotional stress and for that they will turn to someone who is always willing
to listen and that could be an opposite sex.
Ang sobrang pamamahiya
o pagpapagalit ay maaaring mauwi sa pagka-aburido at
dahil duon maari silang lumapit doon sa laging handang making at maaring iyon
ay mula sa ibag kasarian.
I heard of stories like a child (around thirteen to fourteen)
left home alone for a day and a half has invited a boy to sleepover (sound like
a gossip, I never like that BUT this gave me some LESSONS to note)and the rest
is so damaging for both of the child especially to the girl. Another on a
boarding house, if the child needs to board while studying - DO NOT be tempted
to rent a solo room for them for their safety. Not just from robbers etc, but
also this brings them away from compromising situations such as having
visitors(opposite sex). Unlike in bed spacing that occupants can watch each
other and will be cautious to do immoral acts.
Mayroon akong narinig na kuwento na isang dalagita (mga 14-16
ang edad) ay naiwang mag-isa sa bahay at nag-imbita ng binatilyo na matulog sa
kanila- ang iba ay tunay na nakasisira sa reputasyon ng dalagita dahil sa
kuwento ng binatilyo mismo na ginawa sa kanya. Maaaring tsismis iyon ngunit
mula doon ay makapupulot ng aral- hindi dapat iwanang solo ang kabataan. Kahit
kung kailangan iupa habang nag-aaral mas makabubuting sa bedspacer piliin kaysa
sa buong kuwarto at solo lang o iilan lang ang naroon at kapag wala ang iba ay
nasosolo ng kabataan (may nangyari nang gaito sa totoong buhay, ang masama
partner-partner yung dalawang bata sa kuwarto yung isa ay propesor ng dalagita
na hiwalay pa man din sa asawa-isa sa apat ang nagsusumbong). Matuto tayo dito
na huwag tayong maging sobrang maluwag sa kanila at piliin natin yung laging
may magtitingin sa kanila kahit kapwa nila estudyante yung bang matatakot
silang maisumbong sa atin.
If the girl happens to fall for older boys, the higher
possibility of abuse might be present. This is where we are needed in the
picture. We can not actually guide their
emotions, but we can direct t heir actions - enumerate the possibilities, the
effects and the most probable outcome of an action the child might resort to.
This way they are getting some very helpful WARNING. Telling stories (even
machinated) that leaves a lesson or shows how difficult it is to get into such
undesirable situations will give them the idea and be MORE cautious with their
actions and decisions. Children need not experience the awful result of their
misbehavior if we will be persistent on reminding (not nagging!) them. In our Church, youth are kept busy with
church activities to forget about worldly things. We can also divert their time to sports
(indoor and outdoor)/activities (arts and crafts)/singing they like; support
them, buy them the things they need. Enroll them in skills training like voice,
lessons, ballet, taek-won-do. Hindi naman kamahalan ang bayad sa ganyan.
Kapag ang kabataang babae ay nagkagusto sa may edad sa kanya
mas malaki ang posibilidad ng pang-aabuso. Dito tayo kailangan, hindi natin
matuturua yung emosyon nila (na nalipas din naman) pero maaari natin silang
maturuan ng mga dapat nilang gawin para makapag-ingat –isa-isahin natin ang mga
posibleng mangyari, mga epekto nito at ang tiyak na kahihinatnan kapag ganito o
ganuon ang ginawa nila. Nakapagbibigay tayo ng makatutulong na paalala sa
kanila. Magkuwento tayo (kahit yung iba ay gawa nna lang o palabas lang sa
sine) na nagtuturo ng leksiyon o ipinakikita ang kahirapan na mapasuot sa
ganuong uri ng sitwasyon na magbibigay sa kanila ng ideya para maging maingat
sa pagkilos at pagpapasya. Hindi dapat maranasan ng mga kabataan ang mga masamang
dulot ng hindi nila pakikinig sa saway at paalala kung magiging matiyaga tayo
sa pagpapaalala sa kanila. Sa aming
relihiyon, ang mga kabataan ay tinitiyak na abala sa mga gawaing-pansimbahan
para maiiwas sa mga kalayawan o nakapapahamak na bisyo at gawa. Maari din natin
silang libangin sa mga gawaing isports o mga arts at crafts o
pagkanta-suportahan natin ang hilig nila; bilhan natin ng mga kailangan para
mgawa nila iyon. I-enrol natin sa mga skills training gaya ng ballet, voice
lessons, swimming, etc. Fees are not that expensive at all.
My children, Angel is
a choir member since first grade in the Children's Worship Service and my
seven-year-old Riana is rehearsing and under probation to become one too.
Children will be surrounded with peers who are God-fearing and dealing with
some LITTLE misbehavior will never be a problem or may not be there at all.
Ang anak kong si Angle ay mag-aawit na sa (Pagsamba ng
Kabataan) simula pa noong siya ay anim na taong gulang pa lamang at maging ang
bunso ko na pitong taon ngayon ay nag-eensayo na rin..a ang mga bata na
mapaliligiran ng mga kabataan ding tulad nila na may takot sa Diyos maging ang
pag-aayos sa munti nilang pagsuway ay hindi magiging problema ng magulang.
Lastly, the most important thing of all is asking God's help
to rear them properly, let us not RELY on our own skill and wit, God can make
everything possible. Because no matter how great effort we put, whatever we
sacrifice it sometimes fail. We hear of such stories of parents that is why we
need God’s mercy in fulfilling our dreams for our children.
Higit sa lahat ay ang paghingi ng tulong sa Panginoong Diyos
na mapalaki natin sila nang maayos (na maituro sa atin ang mga dapat nating
gawin at sabihin), huwag po tayong manangan sa sarili nating kakayahan at
kaalaman/talino, Ang Panginoong Diyos lamang ang makagagawa ng mga bagay na
tila ba imposible. Kahit anong gawin
natin kahit gaano tayo magsakripisyo minsan nabibigo pa rin tayo, maraming nang
kuwento ng ganyang magulang kaya kailangan natin ng awa g Diyos para matupad
ang pangarap natin sa ating mga anak.
No comments:
Post a Comment