Showing posts with label what to do my child is having a crush. Show all posts
Showing posts with label what to do my child is having a crush. Show all posts

Parenting Issue: Juvenile Attraction

My ten year-old daughter suddenly becomes so conscious with how she looks, the mirror on the wall that has been hanging there for a long time begging for attention now turned into my Angel Reign's favorite nook.

Ang aking sampung taong-gulang na anak ay bigla nang naging mapansinin sa hitsura niya, yung salamin na matagal nang nakasabit sa dingding na tila nagpapansin ay naging paboritong sulok ni Angel Reign.

Oh my! I am surprised to find-out that she is a little bit getting serious with having a crush. Imagine having her crush's name as her mobile hotspot's password?! Before I am just vexing her about this boy,  a friend's son, who is known to be her admirer.  Just a  not so serious thing at all.


Naku, nakagugulat na tila baga seryoso na siya sa pagkakaroon ng nagugustuhan. Mantakin mo pangalan ng crush niya ang password ng wifi hotspot ng cellphone niya?! Dati-rati nakikiharot lang ako sa kanya dun sa anak ng kaibigan namin na batang may gusto raw sa kanya. Biro-biro lang ba...

Children need to feel that parents are open to the idea of them having such feelings that naturally occur sideways during puberty. As their physical body changes, the hormones that brought those changes also affect their mental and emotional being.  And it is important that they know that this  is a 'welcome thing' because this is crucial getting their trust in this very important matter that really needs extreme parental guidance.

Kailangan ng ating mga anak na makaramdam na tayong kanilang mga magulang ay bukas sa ideya ng pagkakaroon nila ng gayong damdamin na kasabay na sumusulpot sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata. Habang unti-unting nagbabago ang kanilang pisikal na kaanyuan kaalinsabay nito ang mga pagbabago sa kanilang damdamin at kaisipan. At mahalagang malaman nila na 'ayos lang' sa atin ito dahil malaki ang kinalaman nito sa pagkuha natin ng tiwala nila sa mga ganito kaselang bagay na tunay na nangangailangan ng patnubay nating mga magulang.

If we, parents, get impulsive upon hearing the most handsome guy or the prettiest girl or the brightest in the class who has often been the hero in your child's stories  then took it negatively and scold the child about it, we are just teaching them to start lying sooner or later. Of course, we have a hint right away of what is 'between the lines' - no matter how we deny, this is part of their growing-up.  What is important is that we make sure, we are ready to listen and they are confident that we are a FRIEND.


Kung magpapa-bigla-bigla tayong mga magulang sa sandaling makarinig tayo ng mga kuwento ng ating anak kung saan bidang-bida ang pinaka-cute o pinakamatalinong bata sa klase - kapag nagalit tayo o nagsermon - matuturuan natin silang magsinungaling o magtago sa kinalaunan.  Syempre, nakakahalata na agad tayo kahit hindi pa tuwirang sabihin ng bata sa atin ang nararamdaman- kahit anong tanggi natin, bahagi ito ng paglaki nila. Ang mahalaga matiyak natin na handa tayong makinig at tiwala sila na tayo ay 'kaibigan'.

Parents too will feel secure having the confidence that children turn to them in all sort of these changes - along the way, advices on how the child should properly react on some situations they might encounter, we can freely give them without any hint of rejection on their part.

Creative Commons License

Creative Commons License
Family, Daily Living & Style by Angelita Galiza-Madera is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.