Aasa pa ba o "Move on" na ?!

Ang artikulong ito ay para sa mga umiibig na hindi o hindi pa nasusuklian ang pag-ibig.  Paano ba natin susukatin ang mga sirkumstansiya kung dapat pa ba tayong maghintay o hindi na?  Narito ang ilang paalala na maari nating gawing sukatan sa ikabubuti ng lahat at sa pag-iwas sa mas matinding kasawian:

My brother as a "model" here
on my post haha "Bunso, wala ako mailagay
na image na bagay dito"

1.  Available pa ba siya o taken na?

Ito ang siyang dapat nating pangunahing ikonsidera. Baka naman siyang nilalangit mo ay pag-aari na nang iba? May nobya na ohindi kaya ay asawa pa!? Kahit sino ayaw lumabas na kontrabida sa tunay na buhay. Kaiinisan hindi lamang ng taong aagawan  kundi maging ng mga tao sa paligid lalo na yaong mga nagmamahal dun sa magkarelasyong binabantaan mong mawasakin.  Higit sa lahat magkakasala ka kung siya ay may-asawa na. Huwag kang pumayag matawag na homewrecker...





2. Sa tingin mo may pag-asa ka ba?

Kung siyang nililigawan mo ay malinaw na "walang-sabit" pero hayagang sinabi o ipinaparamdam naman sa iyo na hindi ka niya gusto, bakit hindi ka magmulat, pakurot ka sa katabi mo ng ikaw ay matauhan! Binasted ka na, move-on...

Kung girl ka naman, iniiwasan ka na niya, panay pa ang pa-cute mo.  Kung ano-anong dinadala mo at lapit ka ng lapit sa kaniya tapos hindi ka naman halos pinapansin, ang tiyaga mo friend!

3. Mabait siya sa iyo?

Sandali, hindi lahat ng kabutihan may kahulugan na mas malalim. Minsan kasi kapag in-love matindi ang imahinasyon. Bawat mabuting ipakita inaakala na may gusto na o ganun din ang nararamdaman nung taong iniibig niya. Yun ang akala mo, akala lang! Paano kung sa lahat naman pala mabait at palabati siya o thoughtful hindi lang sa iyo? Palibhasa nga kasi may nararamdaman ka kaya iba kahulugan nun sa iyo, umaasa ka.  Magpakatotoo ka dahil masakit man sabihin, sarili mo ang una mong niloloko, hindi ba?! At bandang huli ikaw ang mas higit na masasaktan lalo at kapag nagkaroon na siya ng karelasyon. Hindi nga ba at ang isang sugat ay mahapdi habang ginagamot? Pero iyong gamot ay sa ikabubuti nghuwag lumala o magkaroon ng anumang kumlikasyon. Ganun din sa pag-ibig, ano pa at habang tinatanggap mo ang katotohanan para ka nitong pinapatay.

Lalo na sa kalalakihan - kung minsan nagbibigay lang sila at ayaw ka nila hiyain, ungentleman nga naman.  Sa mga kababaihan naman, ayaw lang nilang maging bastos para lantaran kang isnabin o paalalahanan na hanggang friendship lang ang kaya niyang i-offer sa iyo. Lalo na kung boss ka niya o ng boyfriend niya sa trabaho umasa ka na pakikisamahan ka niya talaga kahit labag pa sa loob niya!

O kaya naman iginagalang ka niya pero hindi sapat iyon para isipin mong pareho kayo ng nararamdaman. Hirap sa iba conceited, ipinagkalat na may MU daw sila o may gusto sa kaniya ang babae o lalaki iyon pala assuming lang! Nakakahiya pa pag nalaman nun involved, hindi ba?! Para bang girlfriend/boyfriend mo siya nang ikaw lang ang may alam. Hello! Huwag tayong humantong sa kaawa-awang sitwasyon na ganito, na para bang nangangarap ng gising!

4. Gingawa kang sugar-mommy/daddy

Mag-karelasyon na kayo pero wala siyang time sa iyo. Hindi nagate-text man lang o tumatawag, pero nanghihingi lagi sa iyo ng load, naku may ibang pinag-uubusan ng load at maliwanag na hindi ikaw! Lalo at ikaw ang may trabaho kung-ano-anong ipinabibili sa iyo at hinihingi baka yun na lang ang habol niya kaya ayaw ka pang bitawan...o hindi kaya taga-gawa ka ng assignment at projects niya sa school. Maysakit ka hindi ka man lang dinalaw, ayaw niyang makitang magksama kayo sa labas o nag-de-date kasi hindi na siya makakaporma sa iba. Mahirap pa niyan kung ikaw ang gumawa ng paraan para maging kayo, baka talagang hindi ka niya gusto. Interesado ang kung anong meron kang pwedeng ibigay.

5. Ipinakilala ka ba sa magulang? 

Kung babae ka, hindi ka man lang ipinapakilala sa magulang niya, sa kalye ka lang niligawan pati at hindi interesadong magpakilala sa magulang mo. Naku hindi puro ang hangarin o intensiyon  niya.  Takot siyang makilala ng magulang mo dahil siguro may masama siyang balak sa iyo. Laro lang ang gusto niyan. Hindi seryoso na tipong bandang huli sa kasalan ang uwi.


Ikaw ang makakasagot niyan kung aasa ka pa o move-on ka na? Alalahanin mo kung masasagot mo lamang ng matapat ang mga tanong na nasa itaas saka ka makahahantong sa tamang pagdedeisyon ukol sa bagay na ito. Ikaw lang at walang ibang mas nakakaalam. Makapagpayo ang iba pero hanggang sa abot lamang ng aming nalalaman ikaw ang nakaaalam ng ultimo mailiit na detalye. Mas mabibigyan mo ng katarungan ang sarili mo:)


Nawa ay natulungan ko kayo sa paghahanap ng sagot sa problemang pag-ibig ninyo...just hit the plus button if you like ang nabasa mo at i-share mo kaya sa iba sa G+, FB, o twitter kaya lalo na kung may kaibigan kang kailangan ito :) Salamat sa pagbabasa at sana bumalik ka pa upang makita ang mga idaragdag ko sa "Usapang Pinoy" page ng website ko. Paki-suportahan din ang Family, Daily Living & Style G+ Page to see every post at a glance for easy but wider selection of reading topics... Have a great day!






No comments:

Creative Commons License

Creative Commons License
Family, Daily Living & Style by Angelita Galiza-Madera is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.