Family Planning Methods (Natural and Artificial)




Mga Kahinaan ng Natural na Pamamaraan ng Pagplaplano ng Pamilya
 Hindi  ipinapayo ag “abstinence” sapagkat nakapagdudulot ito ng infidelity lalo na sa bahagi ng kalalakihan, bibihira ang kayang magpigil.

Sa Natural Method din na Withdrawal, may sumasablay dahil ayon sa mga eksperto, nakakapag-eject na rin ng semilya ang lalaki kahit wala pa talaga siya sa climax at 24-48 hrs. nananatiling buhay ang sperms para makapag-fertilize kung sakaling may aksidenteng mag-drop  sa vagina.



Ang Calendar o Rhythm Method naman ay mahirap ding panghawakan at hindi ito ipinapayo sa mga misis na may irregular o masiyadong magkakalayo ag agwat ng pagdating ng regla. Karaniwan kasing ang unang tatlong araw pagkatapos ng menstruation ang pinaka-safe para maiwasan magbuntis. Hindi naman katanggap-tanggap ang intercourse during the period dahil obviously it is unsanitary. 

Billings method o ang pagtaya sa discharge mula sa babae ay hindi rin gaanong reliable lalo at hindi ganuon kalinaw sa isang misis ang paraan nito. Karaniwang ang matubig na discharge ay hindi safe kasi madaling makakahalo o penetrate ang sperm cell at 99% ang posibilidad ng fertilization. Ang mas dense sa paste na discharge ang masasabing safe dahil walang paghalo o union ng mangayayari sa dalawang punlay.


Artificial Family Planning Methods

 Mga kaibigan, narito ang ilang pamamaraan sa pagplaplano g pamilya na personal na nasubukan ng inyong lingkod:

DMPA Injection–( Depo-medroxy Progesterone Acetate) Every three months ang pa-inject nito sa braso. May sandaling downtime  at parang binugbog ang pakiramdam ng brasong tinurukan. Ang napansin kong side-effect sa akin nito ay naging antukin ako kaya ako ay tumaba sa katutulog nuong ito pa ang gamit ko. Depende rin siguro sa may katawan. May ilang kondisyon na hindi ito ipinapayo, alamin sa inyong doktor. Ang advantage naman on the other hand, wala ka nang inaalala, hassle –free ika nga;  iaa-alarm lang sa cellphone the day before ma-expire ito that is after three months pa naman. At libre lamang ito sa health centers dito sa ating bansa, donation lang ibinigay ko noon, pakunsuwelo ba.  Kung sa private doctors meron din, mga two hundred lang yung injection plus three hundred pesos consultation fee way back 10 years ago (yan na kasi ang edad ng panganay ko). At nung itigil ko ito after a month lang (after 3yrs ko itong ginamit ha) nagdalang-tao agad ako sa bunso ko. Ganun kabilis ang pagbalik ng fertility.

Pinababagal nito ang ovulation kaya naiiwasan ang fertility habang gamit ito. Hindi totoong naiipon ang dugo kapag hindi dinaratnan, kung ating matatandaan ang regla ay nagmula sa nahinog na egg cell na hindi na-fertilize ng sperm cell. Walang nahihinog na egg cell dahil sa DMPA na nag-dedelay sa ovulation (pagkahinog) kaya walang nasasalubong ang sperm upon entry. Bumababa lamang mula sa obaryo ang egg cell patungo sa fallopian tube kapag ito ay hinog na.

Intra-uterine Device o IUD/Copper T
Ito ang gamit ko ngayon. Wala kang mararamdaman kahit nakalagay na ito sa uterus mo. Taliwas sa akala ng marami na may “sumasabit” daw sa panahon ng pagtatalik  at nung pagkakabit daw ay may ibang pakiramdam kaya apektado ang paglakad, HINDI po totoo ang lahat ng mga iyon. Dati pa rin, parang wala lang.  Hindi rin masakit maging ang insertion nito. Narito nakahanap ako ng video sa youtube , heto po ang link upang makita nyo ang animation ng pagpasok nito sa uterus IUD Insertion Animation.

Ang gawa nito ay hinaharangan ang pagbaba ng hinog na punlay para ma-meet ng sperm kaya walang fertilization na nangyayari. Nagkaka-regla pa rin sapagkat ito ay hindi hormonal method, device lamang pero meron din namang hormonal IUD – hindi ata ito uso dito sa atin.

Mayroon akong kakilalang matanda sa Indang, Cavite nabalutan na raw ng taba ang IUD nila kaya hindi na nailabas dahil payat pa daw sila nung ipakabit iyon. Payat pa kasi sila dati nung ilagay ito at nag sila ay tumaba gayon nga ang nangyari. Ayon sa kanila, hindi nila ito ipinapasilip ang dapat ay kada anim na buwang pagpapasilip dito sa ngayon kahit once a year nga lang. Walag expiration ang IUD ngunit siguro hindi na masama kung mag-set tayo ng 10 years pra palitan ito, yan ay kung bata ka pa at hindi pa aabutan ng menopausal age.  Mayroong uri ito na may hormones na kasama pero yung sa akin ay device lang. Yung aking ninang naman na early 40’s na yata ito rin ang gamit maayos naman din ang feedback nila. Ako, okay lang din. 

Hinihila lamang ang tali nito upang mailabas. Tumutupi ang magkabilang “pakpak” kapag hinila ang sinulid kaya hindi ramdam ang paglalabas dito gaya ng pagpapasok. Daglian din ang pagbalik ng fertility once na tinanggal ito, temporary method of Family Planning lamang ito.

Pills
Inirerekomeda lamang ito sa mga regular ang dating ng menstruation. May dalawang uri nito ayon sa taglay nitong hormones. POP (Progestin-Only-Pills) at COCs (Combined Oral Contraceptives). Para sa mga nag-bre-breastfeeding, POP ang reseta. Masasandalan ang seguridad nito kung tuloy-tuloy ang pag-inom at pare-parehong oras at walang nakakaligtaan. Kaya nangangailangan ito ng commitment at panahon araw-araw, medyo hassle at abala sa oras. Nasa sa iyo pa rin ang huling desisyon. Kumonsulta sa doktor bago uminom ng kahit anong contraceptive pills, may ilan kasi na may contra-indications gaya ng mayroon bawal sa may sakit sa puso atbp. Ang lathalaing ito ay pagbibigay liwanag lamang at payak na awareness lamang ang pakay sa inyo mga ka-magulang.

May ilang pills na nkapagpapakinis din ng kutis at nakapgdaragdag sa breast size, maaring totoo sapagkat hormonal pills ang sangkap nito, yan daw ang sikreto nang ilang kakilala kong “gays” na hindi naman nagpalagay ng silicone sa dibdib pero mukhang babae. May iba pang AFP Methods, ngunit hindi sila available dito sa bansa natin gaya ng patch atbp. 

Minarapat ko pong huwag nang idis-cuss ang mga permanenteg pamamaraan ng pagplaplano ng pamilya sapagkat mas higit po ang concern ko sa mga ka-magulang na may plano pa ring mag-anak sa hinaharap sa panahon na muli na silang handa sa lahat ng aspeto nito.

Muli ko pong ipinapapaalala na nararapat munang kumonsulta sa doktor para mag-pa-check-up lalo na kung ang gagamitin ay pills lalo. Ang COCs ay may contra-indications o may mga sakit na kapag mayroon ka ay hindi ito rekomendado.

No comments:

Creative Commons License

Creative Commons License
Family, Daily Living & Style by Angelita Galiza-Madera is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.