Pagtuturo ng Bokabularyo sa Baby

Sa mga magiging mommy pa lang naririto ang mga epektibong pamamaraan kung papaano natin matuturuan at madaragdagan ang bokabularyo ng ating mga anak:

1. Kahit sa tingin natin sila ay napakaliit pa at ni hindi pa nagmumulat halos ang mga mata, kausap-kausapin natin sila sa mahinang tinig. Mga paglalambing o paghele (pagkanta ng pampatulog sa kanila).

2. Habang dumaragdag ang buwang gulang nila, ituro natin ang mga bagay-bagay sa paligid at sabihin sa kanila ag tawag dito. Kagaya ng kama, cabinet, halaman – maari din nating pagsalitin ang pagtuturo sa Filipino at English para pareho nilang matutunan ito. Halimbawa kung sa araw na ito ay puro Filipino ang mga salitang ituturo natin bukas ay English naman.  Huwag tayog magsawa – lahat ng bagay kahit sa lahat ng bahay, sa mga larawan o magazine man kahit anong bagay na makikita roon at maituturo natin sa kanila, sabihin natin sa malinaw na pagbigkas.

3. Huwag na huwag nating ituro sa kanila ang pabulol na mga salita sapagkat makakasanayan nila ito kaya hindi po ba may mga napapansin tayong bulol pa kahit bahagyang may gulang na. Nakatutuwa po ang gayong pagkausap subalit may masama poi tong kumplikasyon kaya maging sa iba pa nating mga kasambahay ay ipaalala po natin na iwasan po ito. Kapag sila ay nag-aaral na magiging tampulan sila ng tukso at mapapahiya na magdudulot naman sa kanila ng pagbaba ng tiwala at pagtingin sa sarili (low self-confidence and low self-esteem). Kawing-kawing na po ang epekto niyon – maari ding mauwi sa depresyon kapag dinamdam nila ng labis.



4. Bumili ng mga educational CDs/DVDs or mag-download ng mga educational shows, nursery rhymes – ang mairerekomeda kong ibinili ko sa panganay ko ay yung ‘Brainy Baby’ – nagtuturo ito ng mga kulay, hugis, bilang atpb. Sa wikang English. Ipinapayo ko ding turuan sila ng mga bagay na nabanggit sa wika natin. Kung English na ang mga listening at watching materials, Tagalog o Filipino na lang ang ituro natin – sapat na ang mga iyon para matuto sila sa kanilang edad.  Ang gawa ko po, dahil kami lang mag-ina noon pag-alis ng bahay ng tatay ni Angel, para mailbag siya habang may tinatapos ko ang mga gawaing-bahay o pagluluto; naka-play ang mga DVDs kaya habang naka-walker o nakaupo (naka-seatbelt sa stroller) ay talagang tutok siya sa panonood.

Warning: Tiyakin lamag po na nakasara ang pinto at tanaw pa rin siya habang may gingawa ka at kailangang lingunin paminsan-minsan lalo na kung naka-walker. 

5. Magkaroon ng kopya ng Mozart Effect o Beethoven na music/instrumental o anumang classical music sapagkat ito ay napatunayan ng pag-aaral ng mga siyentipiko na may kaugnayan sa paghubog ng katalinuhan ng bata. Ginagawa ko naman iyong background music habang natutulog sila Angel at Riana simula pagka-baby nila. Kasi habang gising hindi nila iyon gaanong ma-aapreciate kapag tulog na-iistimulate ang brain nila sa pamamagitan ng ganitong tunog.

6. Para hindi maging boring sa bata ang pagtuturo halimbawa sa pagbilang, gawin ito kasama ng regular na pang-araw-araw na aktibidad gaya ng pagkain ng mallows, o minsan bilangin ang toys. Iwasan ang madami, idepende/i-akma ito sa edad kung baby pa at ni hindi pa talaga nakapagsasalita – kahit hanggang tatlo lamang muna ang paulit-ulit ituro o kapag mga anim na buwan hanggang bilang lima, bilang sampu at kapag isang taon na kahit hanggang dalawampu. Pero kung dadaanin ito sa musika, mayroon kasing mga children’s songs na naka-incorporate ang pagtuturo ng pagbilang, hindi po ba? Sikapin po nating maibili sila nito. Patutugtugin o ipapalabas naman natin ito kapag naglalaro sila ng stuff toys at hindi rin kasi sila gaanong ma-iinteresado kapag iyon lamang talaga ang haharapin nila. Ang goal natin dito mapasabay natin silang kumanta sa tugtog kapag na-memorize nila ito (sapagkat lagi nila itong naririnig). Hindi nila napapansing natuto na rin silang bumilang o mag-recite ng abakada.


7. Ibili din natin sila g laruan na grupo-grupo gaya ng blocks tulad ng Lego pero tiyakin po nating ang sukat ay hindi kasya sa bibig nila para malunok at basahin po natin kung ang pakete ay may nakalagay na made from non-toxic materials, maaari kasi nila itong kagat-kagatin.  Mayroon ding blocks na yari sa kahoy at ang pintura o barnis na ginamit ay food grade.  Ang mga iyon ay maaari nating magamit sa pagtuturo sa kanila. Halimbawa kunwari gagawa tayo ng bahay out of them, hihingi tayo ng dalawang red blocks- kahit i-assist nati sila sa pagkuha at pagbilanng sa umpisa hanggang sa magsabi silang “ako, po  mommy…”,  or makita natin yung reaksyon na gusto nila na sila na lang ang gumawa niyon mag-isa.

8. Mabuti rin na ituro natin sa kanila ang ukol sa mga nakalalasong bagay kapag sila ay naglalakad na mag-isa (mga one year to three years old). Una dapat nila maintindihan yung konsepto ng salitang ‘patay’. Halimbawa may ipis, natakot ang bata – ang karaniwang reaksiyon po natin ay patayin iyon hindi po ba, makikita nila na hindi na iyon tumatakbo pagkapalo natin – isa iyon sa pagkakataon na maari nating maipakita at maituro ang ibig sabihin ng ‘patay’

Sa ibang pagkakataon, tanungin natin sila kung patay na ba o hindi pa ang halimbawa lamok na napalo natin. Kapag nasagot ng bata iyon, sigurado tayong nauunawaan na niya ang kahulugan nito. Doon pa lamang nati maaring ituro ang mga lason gaya ng sabon powder at solid, shampoo, gamot, panlinis etc. Hindi naman po sa pagmamapuri – wala po kina Angel at Riana ang nakatikim ng hindi dapat kainin/lason kaya tiwala po akong epektibo ang paraang ito.

Makatutulong din po pala ang pagtuturo ng salitang ‘bawal’ at ‘huwag’ at siya po nating gagamitin ang mga ito sa pagsasabi at pagsaway sa kanila. Ang mga ito naman ay maituturo sa ibang paraan gaya ng pagsasagawa ng  senaryo kahit sa laruan.  Halimbawa ‘huwag ilalagay sa edge/dulo ng lamesa’ mahuhulog o mababasag’. Importante pong naintindihan nila ang sinasabi natin at ang epekto kung ginawa nila ang bawal natin sa kanila. Ipakita natinn ang nasirang laruan o ang pagkahulog upang maintindihan nila ito.

9. Ang pagtuturo ng mga magagalang na pananalita – na alam ko pong batid aman nating lahat. Paalala na lamag poi tong sa akin.  Sa ating mga Pinoy, ang paggamit ng ‘po’ at ‘opo’ – tayo mismo kapag nagsasalita ay gumamit ng mga ito. Dahil nag-iipon pa lamang sila ng bokabularyo, kung anong naririnig nila ay hindi imposibleng matutunan din ila kaya nga ba at ang mga kaibigan nating bingi (deaf ) ay pipi (mute) din dahil wala silang naipong bokabularyo simula pagkabata – ngunit hindi po lahat ay ito ang dahlia kumbakit hindi makapagsalita mayroon ding dahil sa pisikal na kondisyon ng dila ang dahilan.

Hindi lamang ang po at opo ang mga ma-respetong salita maging ang pagtawag ng ate, kuya, tito, tita, lolo o lola – manguna rin tayo sa pagtawag para matutunan nila ang pagkakategorya kung sino-sino ang dapat na tawagin ng lola o ate etc.
Ako, kapag halos hindi nalalayo sa edad ko tita o tito ang tawag ng mga anak ko. Kapag kalaro na mas malaki sa kanila ‘ate’ ang turo ko. Kapag parang nanay o tatay ko na lolo o lola .

10. Panghuli at isa sa pinakamahalaga sa lahat ang pagtuturong bumasa.  Okay lang po matutunan nila ang English at Filipino alphabet pero mas ayos po kung maidaragdag natin ang tunog o ‘sound’ ng bawat titik. Mas epektibo po itong paraan sa pagtuturo ng pagbasa.

Mali po na pagbasa ng PANTIG o syllable (kambal na letra katinig-patinig/patinig
katinig) ang ituro natin sa bata dahil kapag ibang titik/patinig o katinig man  ang kasama mahihirapan o talagang HINDI na nila ito mababasa. Halimbawa:



I have written an almost similar version of this post in English – not very identical click hereHelp Build Your Child's First Vocabulary On my first months of blogging-I am encoding the posts directly in Google Blogger’s platform and I am not so particular in having a copy with me. In the near future I will be translating all the English posts in Filipino – Google’s translator application is computerized and literal sometimes not  so much implying the thought I really wanted to convey although it is very helpful too to my other readers. 


No comments:

Creative Commons License

Creative Commons License
Family, Daily Living & Style by Angelita Galiza-Madera is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.