Hi, everyone. Being a bona
fide member of the ‘Church of Christ’ (Iglesia
ni Cristo), I could not just sit and let other people (especially
non-members) believe that SCAN members being mistakenly tagged as social offenders depriving others of human
rights, causing chaos and even hurting other people. For I knew for myself and I
witnessed how these noble people dignifiedly
performed their duties primarily to our Lord God and to humanity.
Hello po sa lahat. Bilang tunay na miyembro ng Iglesia ni Cristo, hindi ko po
kakayaning maupo na lamang at hayaang maniwala ang publiko (lalo na ang mga
hindi kaanib sa Iglesia) na ang mga kapatid naming SCAN ay mga taong mapanikil ng karapatan ng iba ,
nakapagdudulot ng kaguluhan at mapanakit pa nga daw, dahil alam ko sa sarili
ko, nakikita ko mismo (at ng ibang tao) kung paanong ang mga dakilang tao na
ito ay buong katapatan tumutupad sa kanilang tungkulin pangunahin na sa ating
Panginoong Diyos at ikalawa sa kapwa-tao.
SCAN was first started as a hobby by the members who shared
the same interest of liking the two-way
radio communication. Because of the increasing membership, it has been registered
in the Securities and Exchange Commission.
Sa umpisa libangan daw lamang ito ng mga kapatid na mayroong
hilig sa paggamit ng radio. Dahil sa pagdami ng mga miyembro, ipinarehistro ito
sa SEC.
The simple use of the radio equipment has been brought to a
higher level by ensuring the members are trained and later on passing the
examination given by the National
Telecommunications Commission (NTC). In February 6, 1986 it was registered
in the Philippines as a Radio Amateur
Group (RAG) who later been known to have the largest number of members in
the Philippines for the category.
Ang simpleng paggamit ng radio ay naitawid sa mas mataas na
antas sa pagtiyak na ang mga mirembro ay mapagsanay/mabigyang kaalaman at maipasa ang pagsusulit na pinangangasiwaan
ng NTC. Noong ika-6 ng Pebrero 1986 ay ipinarehistro na ito bilang isang grupo
ng mga baguhang gumagamit ng radyo –Radio Amateur Group (RAG). Kinilala naman ang
SCAN bilang pinakamalaking organisasyon sa kategoryang nabanggit kung bilang ng
miyembro ang pag-uusapan.
Every Locale (Church location) has their
set of SCAN members that volts-in during BIG events, acting
like a single person doing different tasks to accomplish everything in time and
in order.
Bawat lokal (grupo ng mga kaanib na nanambahan sa isang
dako) ay mayroong mga maytungkulin sa SCAN na nagtutulong-tulong kapag may mga
malakihang gawain/aktibidad/pagdiriwang o programa, na kumikilos na parang
iisang tao na tumutupad ng iba’t-ibang gampanin para makumpleto sa oras at ng
may kaayusan.
The SCAN International Organization (with members worldwide)
has formulated this objective for a greater CAUSE:
Ang samahan ng mga SCAN (na mayroon nang mga kasapi sa buong
daigdig sa lahat ng dako na mayroong Iglesia ni Cristo) ay nagpanukala ng
kanilang priyoridad para sa higit na mahalagang layunin:
As Humanitarian Aides
To Humanity – helping people, saving lives REGARDLESS
of race, economic status and even RELIGION. Scans give the same and fair
treatment to members and non-members of the church.
Pagtulong sa kapwa, pagliligtas ng buhay walang pinipiling
lahi, antas ng kabuhayan, maging RELIHIYON man.
Ang mga miyembro ng Scan ay nagbabahagi g pantay na pagtingin sa
miyembro at hindi ng Iglesia.
Now, registered members are NOT limited to radio communicators but also professionals in the
medical fields; there are doctors, nurses and paramedics alike.
Ngayon ang mga nakarehistrong kasapi ay hindi lamang
limitado sa mga nagraradyo, maging mga propesyonal sa larangan ng medisina gaya
ng mga duktor at nars at maging mga paramediko ay kabilang a rin sa patuloy na
lumalaking samahang ito.
Seminars and skills training on ‘Emergency Response’ are held continuously for the members not only
to equip them with necessary knowledge in First Aid but to do it PROPERLY, foremost for the safety of
rescued individuals. The organization invites credible and licensed government
employed or private individuals and
professionals as Guest Lecturers and
Training Coaches to ensure quality and efficient training and preparation
confronting real-life disasters.
Tuloy-tuloy na isinasagawa ang mga talakayan at pagsasanay
sa Paglalapat ng Pangunang Lunas kapag may mga dagliang pangangailangan o
emergencies para magampanan ng mga SCAN ang kanilang tungkuli ng maayos at
maingatan ang mga biktima ng mga kalamidad at sakuna. Kinukumbida ng samahan ang mga Tagapagsalita
at Tagapagsanay na propesyonal na may kaalaman at lisensiya sa bawat larangang
tatalakayin para matiyak ang kalidad ng mga pagsasanay upang mapaghandaan ang
anumang mga panganib sa tunay na buhay.
Videos to watch:
-Scan members had worked hand-in-hand with the government
agencies in rescuing people endangered in calamities. In fact, they had been
the first responders during the Yolanda (Typhoon Hai-yan) in Leyte because they
are typically EVERYWHERE. There are SCAN members in every location –close to
Barangay level, they are seriously available anytime, any minute wearing or not
wearing their designated uniforms.
Katulong din ng Pamahalaan ang SCAN sa pagliligtas sa mga
taong nabibingit sa panganib kung may kalamidad. Sa totoo lang, noong mag-bagyong Yolanda kabilang sila sa mga naunang
sumagip ng mga buhay dahil kahit saang sulok ng P’nas at mundo may SCAN halos
bawat barangay ngayon may mga lokal ng Iglesia – mayroong SCAN.
Madali silang hagilapin kahit anong oras suot man o hindi ag
uniporme nila…
-They do not just assist in distributing relief goods from Felix Y. Manalo Foundation but most
importantly they are in the act of literally
RESCUING those who need help – they are walking through highly-flooded
streets in typhoons, getting into the places to assist firemen during Fires, etc.
Hindi lamang sa pamamahagi ng tulong ng mga pagkain at
kagamitan mula sa FYM Foundation sila nakikiisa kundi sa mismong pagsagip ng
buhay. Kasama silang tumatawid sa hanggang dibdib na baha, nagtutungo sa mga
lugar na may sunog…atbp.
-They also headed blood donation drives.
Nangunguna rin sila sa panawagan ng Dept. of Health (DOH) sa
pagkakaloob ng ‘dugo’ sa mga nangangailangang pasyente ng walang anumang
kabayaran o kapalit.
Though the SCANs that had always been the unsung heroes
in many ORDINARY people’s lives – they do not bother at all. I only see reports in Net25 and INCTV, anyway
it is not that important – it is not really for bragging but PLEASE LET ME
mention their VALOR and SELFLESSNESS forgetting
about their own lives being on the SAME DANGER with the victims. They do
everything for PURE love of others as taught in our Church and most especially
to glorify our Lord God. Remember,
they are not PAID a single cent for those life-risking acts.
Kahit
na silang mga SCAN ay masasabi nating mga hindi napapansing BAYANI – hindi nila
iyon iniinda patuloy pa rin sila sa pagtupad ng tungkulin. Sa Net25 at INCTV ko lang sila nakikitang
naibabalita – hindi naman talaga importante iyon . Hindi naman upang muling ipagmapuri HAYAAN
NINYONG batiin ko ang kanilang katapangan at kadakilaan sa pagsasantabi nila sa
kanilang SARILING BUHAY sa tuwing nabibingit sa panganib sa pagdamay sa mga
biktima. Ginagawa nila ang lahat dahil sa dalisay na pagmamahal sa kapwa higit
sa lahat upang dulutan ng kapurihan ang Panginoong Diyos. Wala po silang tinatanggap na anuman kahit
isang kusing bilang kaupahan o bayad sa mga gawain nilang ito.
- Among those many good deeds, they do not forget their
duties in inviting people to listen to the words of God during evangelical missions and they had also
sponsored their department’s drive. They believe that people do not only need
safety in this life but even more on the Judgment Day.
Kabilang sa
marami nilang magagandang ginagawa, hindi nila nalilimutang magmisyon ng mga
taong makikinig sa mga salita ng Diyos kapag may mga
Pamamahayag
dahil hindi lamang ang kaligtasan sa buhay na ito ang iniisip nila kundi maging
ang sa Araw ng Paghuhukom…
SCAN and the Environment
SCAN Members also believe that if climate change could not
be totally reversed, still there is a way to minimize its consequences.
Naniniwala ang SCAN na kundi man tuluyang maigupo ang
Pagbabago ng Klima, mayroon pa ring mga pamamaraan upang mabawasan ang mga
naidudulot nito. Ang Global Warming ay dulot ng mataas na konsentrasyon ng
Methane at Carbon Dioxide sa atmospera – ang dalawang uri ng hanging ito ay
tanyag na mahusay makaharang sa paglabas ng init na siyang nagpapainit sa
kapaligiran. Isipin mo na lamang bawat araw sumisikat ang araw at naghahatid ng
init – na dumaragdag lamang sa kasalukuyang temperature ng mundo at an gating
kapaligiran ay nawawalan ng kakayahang mapasingaw ang init na ito. Ang pagtatanim ng mga puno o halaman gaya ng
batid ng mga Scan ay nakatutulong sa paghigop at pagbawas ng Carbon Dioxide sa
atmospera (dahil kailangan ito ng mga puno/halaman sa paggawa nila ng sariling
pagkain)
Videos to watch:
- they help plant tree seedlings in many mountains and
mangrove (mangrove trees) areas around the country in response to Global
Warming (increased concentration of Methane and Carbon Dioxide that
traps the emission of heat from the atmosphere –making the earth hotter and
hotter –imagine every day the sun shines, we can not stop that – along with it
radiation and heat energy is released – they just add up to the current
temperature and our environment is becoming incapable of discharging some of
it). Planting trees and plants (as Scans
are aware of) that absorbs carbon dioxide during photosynthesis (food making
process) helps in lessening the amount of CO2 in the atmosphere.
-help keep the surroundings clean in spearheading clean-up
drives. Seashores/seawalls, city streets and canals had been their favorite
areas. Gumaca, Quezon’s shore is among
those lucky beneficiaries of such activity.
Videos to watch:
Tumutulong sila sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran
sa pamamagitan ng mga Clean-up Drives. Mga baybaying dagat, kalsada at mga
kanal sa komunidad ang kanilang paboritong lugar. Isa ang baybayin ng Gumaca sa nakinabang
rito.
Aid for the Church’s and
Its Members Welfare
Pantulong sa Iglesia at sa Kapakanan ng mga Kaanib nito
- Deployed in and outside the chapel compound during the
worship services assisting brethrens attending the WS in traffic and safe
parking.
-Keeping the surroundings at peace during the service. Most of them perform their duties in a
separate schedule from their worship attendance especially those who are
assigned in the posts outside the chapel – in the gates and roaming around the
church compound.
Itinatalaga sa loob at labas ng compuound ng mga
bahay-sambahan kung araw ng Pagsamba – tumutulong sa pagmamando ng trapiko
papasok sa gate ng kapilya para maiwasan ang mga sakuna maging sa maayos na
paghimpil ng mga sasakyan. Pinanatili
din nila ang kapayapaan sa panahon ng mga Pagtitipon. Karamihan sa kanila ay
ibinubukod ang pagtupad sa Pagsamba – karaniwan kasing sa gate at pag-iikot sa
compound ng kapilya ang kanilang gawain/tingkulin habang may pagsamba, yaon ay para makatiyak na
nagagawa nila ng maayos ang kanilangkani-kaniyang mga Pagsamba.
- On guard for brethrens walking their way to the chapel, on
the lookout for possible bad elements lurking in the area. They are not to
fight them physically but the Scans are there to immediately call the
authorities (using their radios) or stop an igniting chaos- because they DO NOT
CARRY any harmful weapons like blades, guns or even bat BUT their radios and
bare hands paired with their alertness. Most are trained like paramedics to
respond to emergency situations too.
Nakabantay din sila sa mga kapatid na patungo sa
bahay-sambahan, nakamatyag sa mga posibleng masasamang elemento na maaring
gumawa ng hindi maganda sa mga daanang malapit sa pinagsasambahan. Hindi sila para maki-pag-basag-ulo, naroon
lamang sila para siyang mabilisang makatawag sa mga awtoridad (pulis at mga
tanod) sa pamamagitan ng mga radyo nila o dili kaya naman upang magsilbing
babala sa mga kawatan. WALA po silang armas (baril, kutsilyo o batuta), radyo
lamang at ang kanilang mga kamay lakip ang liksi at pagiging alerto. Karamihan
sa kanila (lalo na yung mga matagal nang miyembro) ay nakapagsanay para
makaresponde sakaling may mga emergency, sakuna.
- Assistant committee
on venue preparations for Special Events
and Occasions. They are there to help lay the chairs and tables, the audio
systems etc. They take responsibility in keeping the venue spotless clean ad
back in-place after each church activity – that is why we hated news telling
INC activities just LEFT garbage after the rally etc. Not giving us even a
couple of hours to fix our mess. They never reversed their reports after the
area is cleared. I do not brag about us being responsible citizens BUT the
authorities especially those in the Police Department – they testify for the
peacefulness and order of our activities and that is because of the BIG HAND
from SCAN members.
Sila rin ang kinakatuwang sa paghahanda ng mga pagdarausan
ng mga malakihang pagtitipon ng Iglesia. Sila ang nag-aayos ng mga inupahang
upuan, lamesa, musika at mikropono atbp.
Sila rin ang responsible sa pagpapanatiling maayos at malinis ng mga
venue sa tuwing matatapos ang mga pagtitipon…kaya nga ba nakaiinis ang balita
ng isang istasyon nang mag-rally kami na ,mistula daw basurahan ang EDSA
pag-alis naming – hindi man lamang kami binigyan ng isa-kahit dalawang oras
(lupit!) para magligpit at maglinis ng
mga kalat. Hindi naman uli nila ibinalita na nalinis na at nagkamali sila ng
akala…hindi ko po ipinagmamapuri ang pagiging responsible naming mamamayan
NGUNIT ang mga awtoridad ang makapagsasabi niyan- ang kapulisan
–makapagpapatunay po sila na kahit gaano kalaking pagtitipon pa ang aming
isagawa –napapanatili po ang kapayapaan at kaayusan ng kapaligiran at malaki ang
ginagampanang papel ng mga kapatid naming SCAN sa bagay a iyan kaya hindi po
naisasantabi ang kaayusan at kalinisan ng mga venue.
-They also serve as watchers for offenders who are
planning do any harm to the attendees and their vehicles– again, not to
physically harm them BUT to keep them away/ward villains off seeing them
around, lowering or eradicating chances of such assaults. Who will want to
steal or misbehave seeing somebody is watching?
Sila rin ang nagsisilbing tagabantay ng mga dumadalo sa anumang
pagtitipon ng Iglesia maging sa mga sasakyan– upang huwag mabiktima ng
masasamang tao, muli hindi upang saktan sila, para itaboy sila. Siyempre sinong
magbabalak gumawa ng masama kung may mga nakamasid sa paligid?
Videos to watch:
Eto na lamang po ang maireregalo ko sa inyo mga mahal na kapatid na SCAN :)
Trivia:
Today, SCAN is considered as among the ‘Church Family Organizations’
consist of the following:
Sa ngayon, kabilang ang SCAN sa mga Kapisanang Pansambahayan
ng Iglesia ni Cristo na binubuo ng mga sumusunod:
- the children below twelve years old NOT YET baptized But OFFERED , we call them the Children’s
Worship Service – (CWS) Unit.
Tinatawag din na nasa
PNK (Pagsamba ng Kabataan) ang mga kabilang sa mga bata hanggang edad
labing-isa hindi pa bautisado ngunit naihandog ng kanilang mga magulang sa
Iglesia.
- the twelve years old
members baptized until the age of seventeen
are called ‘Binhi’ (like a ‘seedling’
in literal English Translation)
Mga kaanib na dose anyos hanggang disisiyete bautisado ang mga kabilang sa kapisanang tiatawag na
BINHI.
-eighteen years old and above (until 80yo), as long as UNMARRIED
members are called – KADIWA (Kabataang may Diwang Wagas)
Disi-otso anyos na WALA PANG ASAWA, bautisado ang mga
kabilang naman sa kapisanang KADIWA.
-the married members belong to ‘Buklod’
-Tinatawag namang BUKLOD ang mga kabilang sa kapisanan ng
mga kasal na o may-asawa na.
- SCAN as the association of volunteer members
Female and even disabled members are now part of the growing
network. Disabled members can still perform their duties as relaying
officers in stations to disseminate vital information and requirements
to aid in calamities having trained and passed the NTC’s examinations in radio
communications.
At ngayon nga, mayroon ng mga SCAN na binubuo ng mga
boluntaryong kasapi na ang gawain nga ang nabanggit sa itaas.
Maging nag mga may kapansanan (pilay etc.) ay kasapi na din
– bilang mga nagra-radyo at tagapaghatid ng mensahe mula sa mga istasyon ng
SCAN upang maiparating sa mga kinauukulan
an gang mahahalagang impormasyon at mga pangangailangan ng mga nasalantang
dako. Karaniwang sila ay pumasa sa mga pagsusulit ng NTC ukol sa paggamit ng
radyo.
No comments:
Post a Comment