
*GP – o
General Practitioners, family doctor din sila ngunit may advantage ang mga FM
(Family Med) kung rigid training ang pag-uusapan. Naitanong ko ito sa isa sa mga
kino-cover kong FM, nakaka-curious kasi
kung bakit magkaiba pa ang tawag, pareho namang doktor ng bata at matanda.
Ang madami
sa Artificial FP Methods ay
REVERSIBLE, pwede nitong maibalik nang muli ang kakayahang makapag-anak pero
mayroon ding mga permanenteng pamamaraan. Malayang makapamimili ang mag-asawa.
Ngunit sa pagkakaalala ko ang mga edad 35 pababa ay hindi pinahihintulutan ng
mga doktor ng permanenteng method sapagkat lubhang napakabata pa, maaari pa raw
itong pagsisihan, may ilang kaso lang siguro na pinapayagan lalo at kung
sobrang dami na ng mga anak. May posibilidad daw kasi ng child mortality kapag bata pa ang mga anak at gayundin sa asawa.
May mga kaso daw kasi na maagang nabiyuda nang muling magka-asawa paglipas ng
panahon ay hindi na makapag-anak muli.