Pagtuturo ng Bokabularyo sa Baby

Sa mga magiging mommy pa lang naririto ang mga epektibong pamamaraan kung papaano natin matuturuan at madaragdagan ang bokabularyo ng ating mga anak:

1. Kahit sa tingin natin sila ay napakaliit pa at ni hindi pa nagmumulat halos ang mga mata, kausap-kausapin natin sila sa mahinang tinig. Mga paglalambing o paghele (pagkanta ng pampatulog sa kanila).

2. Habang dumaragdag ang buwang gulang nila, ituro natin ang mga bagay-bagay sa paligid at sabihin sa kanila ag tawag dito. Kagaya ng kama, cabinet, halaman – maari din nating pagsalitin ang pagtuturo sa Filipino at English para pareho nilang matutunan ito. Halimbawa kung sa araw na ito ay puro Filipino ang mga salitang ituturo natin bukas ay English naman.  Huwag tayog magsawa – lahat ng bagay kahit sa lahat ng bahay, sa mga larawan o magazine man kahit anong bagay na makikita roon at maituturo natin sa kanila, sabihin natin sa malinaw na pagbigkas.

3. Huwag na huwag nating ituro sa kanila ang pabulol na mga salita sapagkat makakasanayan nila ito kaya hindi po ba may mga napapansin tayong bulol pa kahit bahagyang may gulang na. Nakatutuwa po ang gayong pagkausap subalit may masama poi tong kumplikasyon kaya maging sa iba pa nating mga kasambahay ay ipaalala po natin na iwasan po ito. Kapag sila ay nag-aaral na magiging tampulan sila ng tukso at mapapahiya na magdudulot naman sa kanila ng pagbaba ng tiwala at pagtingin sa sarili (low self-confidence and low self-esteem). Kawing-kawing na po ang epekto niyon – maari ding mauwi sa depresyon kapag dinamdam nila ng labis.



4. Bumili ng mga educational CDs/DVDs or mag-download ng mga educational shows, nursery rhymes – ang mairerekomeda kong ibinili ko sa panganay ko ay yung ‘Brainy Baby’ – nagtuturo ito ng mga kulay, hugis, bilang atpb. Sa wikang English. Ipinapayo ko ding turuan sila ng mga bagay na nabanggit sa wika natin. Kung English na ang mga listening at watching materials, Tagalog o Filipino na lang ang ituro natin – sapat na ang mga iyon para matuto sila sa kanilang edad.  Ang gawa ko po, dahil kami lang mag-ina noon pag-alis ng bahay ng tatay ni Angel, para mailbag siya habang may tinatapos ko ang mga gawaing-bahay o pagluluto; naka-play ang mga DVDs kaya habang naka-walker o nakaupo (naka-seatbelt sa stroller) ay talagang tutok siya sa panonood.

Warning: Tiyakin lamag po na nakasara ang pinto at tanaw pa rin siya habang may gingawa ka at kailangang lingunin paminsan-minsan lalo na kung naka-walker. 

5. Magkaroon ng kopya ng Mozart Effect o Beethoven na music/instrumental o anumang classical music sapagkat ito ay napatunayan ng pag-aaral ng mga siyentipiko na may kaugnayan sa paghubog ng katalinuhan ng bata. Ginagawa ko naman iyong background music habang natutulog sila Angel at Riana simula pagka-baby nila. Kasi habang gising hindi nila iyon gaanong ma-aapreciate kapag tulog na-iistimulate ang brain nila sa pamamagitan ng ganitong tunog.

6. Para hindi maging boring sa bata ang pagtuturo halimbawa sa pagbilang, gawin ito kasama ng regular na pang-araw-araw na aktibidad gaya ng pagkain ng mallows, o minsan bilangin ang toys. Iwasan ang madami, idepende/i-akma ito sa edad kung baby pa at ni hindi pa talaga nakapagsasalita – kahit hanggang tatlo lamang muna ang paulit-ulit ituro o kapag mga anim na buwan hanggang bilang lima, bilang sampu at kapag isang taon na kahit hanggang dalawampu. Pero kung dadaanin ito sa musika, mayroon kasing mga children’s songs na naka-incorporate ang pagtuturo ng pagbilang, hindi po ba? Sikapin po nating maibili sila nito. Patutugtugin o ipapalabas naman natin ito kapag naglalaro sila ng stuff toys at hindi rin kasi sila gaanong ma-iinteresado kapag iyon lamang talaga ang haharapin nila. Ang goal natin dito mapasabay natin silang kumanta sa tugtog kapag na-memorize nila ito (sapagkat lagi nila itong naririnig). Hindi nila napapansing natuto na rin silang bumilang o mag-recite ng abakada.