Agree ka ba na
kailangan natin ang mga ito?
Bilang isang
ordinaryong mamamayan, nararamdaman ko ang totoong pangangailangan natin. Ang
ilan sa mga ito ay napapabilang sa pangunahing pangangailangan natin. Dito
natin masusukat ang kakayahang mamalakad ng ating mga nagdaan at kasalukuyang
Pamahalaan – kulang ang naging pagpupursigi nila para ipagkaloob nila sa atin
ang mga ito. Kabilang kasi ang dito ang ilan sa ating mga pangunahing pangangailangan. (Tagalog/English in BOLD letters)
I.
Mga Hanapbuhay at Oportunidad:
Employment
and Business Opportunities
Sana po ay maging
kasangkapan ang pamahalaan sa pagtuturo ng libreng karagdagan at makabagong
kaalaman sa agrikultura at bisnes bukod sa TESDA na may bayad – mapadaan ito sa
mga LGU’s hanggang sa baranggay upang
maabot ang bawat Pilipino.
I
hope that the Philippine Government shall be instrumental in educating our
countrymen with additional and state-of-the-art knowledge in agriculture and
business for FREE aside from having the existing TESDA that Filipinos can only
avail of when paid. That FREE trainings could have channeled through Local
Gov’t. Units (LGU’s) down to barangay level to reach every Pinoy.
- Ang water lily industry na pinaunlad ng mga Villar sa distrito nila ay maaari nating
ituro sa mga mamamayan upang mapagkakitaan. Nakagawa po sila ng maraming
produkto mula sa Lily. Ang gayong mapagtuklas na kaisipan ay nakatulong sa
pagsulit sa paggamit ng mga mapagkukunan (na halos hindi pinapansin at madaling
makuha) ay isa lamang tanda ng mabuting halimbawa ng pamumuno na sana ay
taglayin ng mga mahahalal nating lider. Hindi lamang iyon, nagkaroon ng hanapbuhay
ang marami dahil dito.
Water
Lily industry that has been developed by the Villar family in their district (Las PiƱas) is one of a possible
income alternative. They have made various products out of it. That innovative
thinking attempting to maximize AVAILABLE resources is one good example of
leadership ability that I hope be the attitude of our future leaders after
these 2016 elections. Not just that, it opened employment opportunities too.
- ang paggamit
ng balat ng mais bilang kahalili ng mga
materyales sa paggawa ng plastic products
(napanood ko po ito sa ‘How Stuff Works’)
kasi po itinatapon lamang natin ang mga ito pwede naman palang magamit at
pagkakitaan pa at kaalinsabay pa nito ang pag-iingat sa ating kapaligiran
(nababawasan ang harmful chemicals sa
paggawa ng plastic kung natural na sangkap ang gamit). May karagdagang trabaho
pa sana at kita sa mga magsasaka.
The
use of corn How Stuff Works: Corn Plastics in making canisters and other plastic products as I have seen
in ‘How Stuff Works’ could have been another source of income and at the same
time preserving our environment – sustainable development becomes possible, it
is just one of the many options. A useful product that will also be an employment source and income
for the farmers while SAVING OUR ENVIRONMENT.
II.
Pagakakaroon ng malinis na tubig na maaring inumin
Availability
of Potable Water
Kahit kapag
nangyari ito ay tiyak na maraming mawawalan ng negosyo ngunit mas marami ang
makikinabang. Naliligiran tayo ng
maraming anyong tubig – sa tingin ko po sistema lang ang kailangan –
makinarya sa paglilinis at mga dalubhasa na papatnubay dito. Hay, sa ibang
bansa na naman kapag nanonood ako ng mga
cooking shows sa mismong gripo sila
kumukuha ng pansabaw sa lutuin. Ganuon kadaling maabot ang malinis na tubig
samantalang lamang tayo sa kapaligirang matubig pero tayo bumibili ng mas
mahal na tubig-inumin.
Even
if this happens, many water-refilling businesses will be affected BUT more
people (rather than FEW) would benefit from it. Our country is physically
surrounded with bodies of water – in my own opinion we only need a system –
machineries for filtering and experts to supervise it. Whew! In other countries
as I see when I am watching ‘cooking shows’ they get cooking water DIRECT from the faucet. That is how accessible water
is for them, the irony is that we have more accessible resources compared to
them but we buy expensive drinking water.
III.
Murang Elektrisidad
Low-cost
Electricity
Sana po ay magamit
natin ang mga available resources sa
pagkuha ng enerhiya gaya ng hydroelectric,
solar at geo-thermal upang
makinabang tayo sa murang elektrisidad.
I
hope again to utilize our available resources in extracting energy/power like
hydroelectric, geothermal or solar power plant so that we will pay half the
cost of electricity we are paying today.
IV.
Paggamit ang Lumolobong Basura sa mga Kapaki-pakinabang na Bagay
Recycling our Ballooning Garbage Problem
Problema sa
kapaligiran at kalusugan ang dala ng basurang nakatambak. Bakit hindi po natin
pagtuunan ng pansin ang nagawa na ng ilang nakapag-aral na gawing
kapaki-pakinabang ang mga ito?
Dilemmas on the
environment and health are brought about by piled-up garbage. Why can we not
give attention to what others have already done - converting wastes into
fuel etcetera to turn these garbage into
‘gold’?
- ang mga plastic
ay mai-recycle din po sa pamamagitan ng pagtunaw at paggamit nito para
halimbawa i-convert na maging pvc
pipes etc. upang makamura na rin sa materyales ang mga proyekto ng pamahalaan o
sa iba pang kapaki-pakinabang na gamit.
Plastics
are melted to make other materials like PVC pipes etc. so our Government can
use them for government projects to cut on materials costs.
IV.
Serbisyong Medikal
Medical Services Subsidized by the Gov't.
Naalala ko kasi
yung naipalabas sa tv na dokumentaryo sa mga maysakit na OFW – kahit hirap na
sa karamdaman ayaw
umuwi (cancer ang sakit) kasi mamatay lang daw sila pag dito at
hirap pa pamilya nila – KASI NAMAN LIBRE
pala ang pagamot nila sa mga hospital sa Hongkong ata yun o Singapore basta
hindi pa paso ang kontrata nila. Nangangahulugan lamang na ang katapusan ng kontrata nila ay katapusan na din ng buhay nila dahil
pag-uwi dito sa atin hindi nila kakayanin ang mahal ng chemotherapy –
karamihan kasi sa kanila dun na lang natuklasan ang sakit. Salamat sa mga amo
ng mga DH na nagbibigay ng pagkakataon na mabuhay sila sa pag-renew ng kontrata
nila bagamat sila ay alipin na ng karamdaman. Hindi lamang literal na pagkain
ang ibinibigay nila kundi ang pag-asang
madugtungan pa ang buhay nila para sa mga mahal sa buhay (karaniwan mga
anak) na naiwan dito sa Pinas.
I
remember the documentary I have watched about these terminally-sick (of cancer)
OFW (Overseas Filipino Workers), although they are really burdened doing their
jobs as domestic helper – they refuse to go back home in our country – it is
because they are getting FREE MEDICATIONS in hospitals there in Hongkong (?) or
Singapore (?), I forgot – as long as their job contract is not yet expired.
Meaning, ‘the end of their contract is also the END OF
THEIR LIVES’ because going home is NEVER an option knowing that they can
not afford medications here and the government does not
have any programs for them, correct me if I am wrong. They could not pay
for expensive chemotherapy – most of the OFWs had their conditions surfaced
while working abroad not before they left the country. I am very THANKFUL to
those wonderful, kind-hearted foreign bosses they have for keeping them despite
of their health conditions – they are not just giving them bread to eat but HOPE to LIVE longer…for their family (usually
children) they left back home.
Sana po ay maging
tunay na ‘sagot’ ng gobyerno ang pagpapagamot ng mga
Pilipinong maysakit. Sa Makati po ang magpa-opera ay libre tunay na kuwento ito
ng mga kaibigan ko cataract-operation ang isa. Kaya kahit hindi taga-Makati
gustong kumuha ng yellow card sa
kanila…ang maga mahal na check-up
libre din, kaya nga ba ang mga lider duon ay sa ‘strength’ binabanatan ng
mga kalaban sa pulitika kasi wala silang maipintas sa performance – alam ng mga tuso kung saan ang lakas nila dun
sila dapat tirahin para sa bahaging iyon din ang maging dahilan para ayawan
sila ng tao. Hindi ko pinapanigan ang mga Binay, nagustuhan ko lamang ang mga
benepisyo, proyekto at serbisyo nila para sa mga taga-Makati.
I
wish that the government can truly ‘take
care’ of sick Filipinos. In Makati, medical operations such as cataract
surgery is FREE, this is from a friend’s REAL story (Vice President is not
joking when he brags of this achievement – and for me that is commendable).
That is why even non-Makati residents wishes to have ‘yellow card’ (that is a
health card) from them. Even the expensive check-ups are free. That is why the
political leaders in Makati are shot to their strength because they have
impeccable performance – a wise opponent knows that the weakness of another can
be his strength – and if that performance made them loved by people, that
performance can be traced for holes
in it. If that can be targeted they know for sure that it is the BEST strategy
to defeat them politically. I am not endorsing the Binays and I just admire
their projects and works in Makati.