Agree ka ba na
kailangan natin ang mga ito?
Bilang isang
ordinaryong mamamayan, nararamdaman ko ang totoong pangangailangan natin. Ang
ilan sa mga ito ay napapabilang sa pangunahing pangangailangan natin. Dito
natin masusukat ang kakayahang mamalakad ng ating mga nagdaan at kasalukuyang
Pamahalaan – kulang ang naging pagpupursigi nila para ipagkaloob nila sa atin
ang mga ito. Kabilang kasi ang dito ang ilan sa ating mga pangunahing pangangailangan. (Tagalog/English in BOLD letters)
I.
Mga Hanapbuhay at Oportunidad:
Employment
and Business Opportunities
Sana po ay maging
kasangkapan ang pamahalaan sa pagtuturo ng libreng karagdagan at makabagong
kaalaman sa agrikultura at bisnes bukod sa TESDA na may bayad – mapadaan ito sa
mga LGU’s hanggang sa baranggay upang
maabot ang bawat Pilipino.
I
hope that the Philippine Government shall be instrumental in educating our
countrymen with additional and state-of-the-art knowledge in agriculture and
business for FREE aside from having the existing TESDA that Filipinos can only
avail of when paid. That FREE trainings could have channeled through Local
Gov’t. Units (LGU’s) down to barangay level to reach every Pinoy.
- Ang water lily industry na pinaunlad ng mga Villar sa distrito nila ay maaari nating
ituro sa mga mamamayan upang mapagkakitaan. Nakagawa po sila ng maraming
produkto mula sa Lily. Ang gayong mapagtuklas na kaisipan ay nakatulong sa
pagsulit sa paggamit ng mga mapagkukunan (na halos hindi pinapansin at madaling
makuha) ay isa lamang tanda ng mabuting halimbawa ng pamumuno na sana ay
taglayin ng mga mahahalal nating lider. Hindi lamang iyon, nagkaroon ng hanapbuhay
ang marami dahil dito.
Water
Lily industry that has been developed by the Villar family in their district (Las PiƱas) is one of a possible
income alternative. They have made various products out of it. That innovative
thinking attempting to maximize AVAILABLE resources is one good example of
leadership ability that I hope be the attitude of our future leaders after
these 2016 elections. Not just that, it opened employment opportunities too.
- ang paggamit
ng balat ng mais bilang kahalili ng mga
materyales sa paggawa ng plastic products
(napanood ko po ito sa ‘How Stuff Works’)
kasi po itinatapon lamang natin ang mga ito pwede naman palang magamit at
pagkakitaan pa at kaalinsabay pa nito ang pag-iingat sa ating kapaligiran
(nababawasan ang harmful chemicals sa
paggawa ng plastic kung natural na sangkap ang gamit). May karagdagang trabaho
pa sana at kita sa mga magsasaka.
The
use of corn How Stuff Works: Corn Plastics in making canisters and other plastic products as I have seen
in ‘How Stuff Works’ could have been another source of income and at the same
time preserving our environment – sustainable development becomes possible, it
is just one of the many options. A useful product that will also be an employment source and income
for the farmers while SAVING OUR ENVIRONMENT.
II.
Pagakakaroon ng malinis na tubig na maaring inumin
Availability
of Potable Water
Kahit kapag
nangyari ito ay tiyak na maraming mawawalan ng negosyo ngunit mas marami ang
makikinabang. Naliligiran tayo ng
maraming anyong tubig – sa tingin ko po sistema lang ang kailangan –
makinarya sa paglilinis at mga dalubhasa na papatnubay dito. Hay, sa ibang
bansa na naman kapag nanonood ako ng mga
cooking shows sa mismong gripo sila
kumukuha ng pansabaw sa lutuin. Ganuon kadaling maabot ang malinis na tubig
samantalang lamang tayo sa kapaligirang matubig pero tayo bumibili ng mas
mahal na tubig-inumin.
Even
if this happens, many water-refilling businesses will be affected BUT more
people (rather than FEW) would benefit from it. Our country is physically
surrounded with bodies of water – in my own opinion we only need a system –
machineries for filtering and experts to supervise it. Whew! In other countries
as I see when I am watching ‘cooking shows’ they get cooking water DIRECT from the faucet. That is how accessible water
is for them, the irony is that we have more accessible resources compared to
them but we buy expensive drinking water.
III.
Murang Elektrisidad
Low-cost
Electricity
Sana po ay magamit
natin ang mga available resources sa
pagkuha ng enerhiya gaya ng hydroelectric,
solar at geo-thermal upang
makinabang tayo sa murang elektrisidad.
I
hope again to utilize our available resources in extracting energy/power like
hydroelectric, geothermal or solar power plant so that we will pay half the
cost of electricity we are paying today.
IV.
Paggamit ang Lumolobong Basura sa mga Kapaki-pakinabang na Bagay
Recycling our Ballooning Garbage Problem
Problema sa
kapaligiran at kalusugan ang dala ng basurang nakatambak. Bakit hindi po natin
pagtuunan ng pansin ang nagawa na ng ilang nakapag-aral na gawing
kapaki-pakinabang ang mga ito?
Dilemmas on the
environment and health are brought about by piled-up garbage. Why can we not
give attention to what others have already done - converting wastes into
fuel etcetera to turn these garbage into
‘gold’?
- ang mga plastic
ay mai-recycle din po sa pamamagitan ng pagtunaw at paggamit nito para
halimbawa i-convert na maging pvc
pipes etc. upang makamura na rin sa materyales ang mga proyekto ng pamahalaan o
sa iba pang kapaki-pakinabang na gamit.
Plastics
are melted to make other materials like PVC pipes etc. so our Government can
use them for government projects to cut on materials costs.
IV.
Serbisyong Medikal
Medical Services Subsidized by the Gov't.
Naalala ko kasi
yung naipalabas sa tv na dokumentaryo sa mga maysakit na OFW – kahit hirap na
sa karamdaman ayaw
umuwi (cancer ang sakit) kasi mamatay lang daw sila pag dito at
hirap pa pamilya nila – KASI NAMAN LIBRE
pala ang pagamot nila sa mga hospital sa Hongkong ata yun o Singapore basta
hindi pa paso ang kontrata nila. Nangangahulugan lamang na ang katapusan ng kontrata nila ay katapusan na din ng buhay nila dahil
pag-uwi dito sa atin hindi nila kakayanin ang mahal ng chemotherapy –
karamihan kasi sa kanila dun na lang natuklasan ang sakit. Salamat sa mga amo
ng mga DH na nagbibigay ng pagkakataon na mabuhay sila sa pag-renew ng kontrata
nila bagamat sila ay alipin na ng karamdaman. Hindi lamang literal na pagkain
ang ibinibigay nila kundi ang pag-asang
madugtungan pa ang buhay nila para sa mga mahal sa buhay (karaniwan mga
anak) na naiwan dito sa Pinas.
I
remember the documentary I have watched about these terminally-sick (of cancer)
OFW (Overseas Filipino Workers), although they are really burdened doing their
jobs as domestic helper – they refuse to go back home in our country – it is
because they are getting FREE MEDICATIONS in hospitals there in Hongkong (?) or
Singapore (?), I forgot – as long as their job contract is not yet expired.
Meaning, ‘the end of their contract is also the END OF
THEIR LIVES’ because going home is NEVER an option knowing that they can
not afford medications here and the government does not
have any programs for them, correct me if I am wrong. They could not pay
for expensive chemotherapy – most of the OFWs had their conditions surfaced
while working abroad not before they left the country. I am very THANKFUL to
those wonderful, kind-hearted foreign bosses they have for keeping them despite
of their health conditions – they are not just giving them bread to eat but HOPE to LIVE longer…for their family (usually
children) they left back home.
Sana po ay maging
tunay na ‘sagot’ ng gobyerno ang pagpapagamot ng mga
Pilipinong maysakit. Sa Makati po ang magpa-opera ay libre tunay na kuwento ito
ng mga kaibigan ko cataract-operation ang isa. Kaya kahit hindi taga-Makati
gustong kumuha ng yellow card sa
kanila…ang maga mahal na check-up
libre din, kaya nga ba ang mga lider duon ay sa ‘strength’ binabanatan ng
mga kalaban sa pulitika kasi wala silang maipintas sa performance – alam ng mga tuso kung saan ang lakas nila dun
sila dapat tirahin para sa bahaging iyon din ang maging dahilan para ayawan
sila ng tao. Hindi ko pinapanigan ang mga Binay, nagustuhan ko lamang ang mga
benepisyo, proyekto at serbisyo nila para sa mga taga-Makati.
I
wish that the government can truly ‘take
care’ of sick Filipinos. In Makati, medical operations such as cataract
surgery is FREE, this is from a friend’s REAL story (Vice President is not
joking when he brags of this achievement – and for me that is commendable).
That is why even non-Makati residents wishes to have ‘yellow card’ (that is a
health card) from them. Even the expensive check-ups are free. That is why the
political leaders in Makati are shot to their strength because they have
impeccable performance – a wise opponent knows that the weakness of another can
be his strength – and if that performance made them loved by people, that
performance can be traced for holes
in it. If that can be targeted they know for sure that it is the BEST strategy
to defeat them politically. I am not endorsing the Binays and I just admire
their projects and works in Makati.
Side
Story 1:
Ultimo
magandang opisina ng Makati City Hall – para sa akin natural na dapat mukhang
Hotel iyon at ang Makati ang central
business district natin. Naruon ang marami sa Multinational companies – dapat lamang maging kapita-pitagan ang
Alkalde ng lungsod. Paano mangyayari iyon kung ang opisina niya ay mainit at
hindi presentable, baka hindi na siya igalang ng mga dayuhan at may-ari ng
malalaking kompanya na bibisita sa kanya at magmukha siyang aba. Kaya being
fair to Mayor Binay, tama ang ginawa nilang iyon sa pagpapaganda ng City Hall.
Even the City
Hall’s appearance did not evade the scrutiny – for me it is natural and a MUST
for Makati to have a hotel-like city hall premise because it is the country’s
central business district where multinational companies are mostly located –
the office where the city mayor sits MUST really be presentable – we have to
accept that it has something to do with how people assess you or your
organization – I doubt if big bosses or foreigners from big companies will wish
to transact business in a humid, hospital like office with the mayor. The
office gives the mayor added confidence to face every guest because the place
speaks for his competence how he managed to put-up such a good office for the
city. It gives us, Filipinos, something to be proud of –some air of pride. And
when we speak of Makati – people have high regards for it.
V.
FREE internet nationwide?
Hindi naman sa
naiinggit ako sa ibang bansa na hindi na
kailangang magbayad sa telecom companies
para makibahagi sa pag-unlad ng teknolohiya, paano ba tayo makakaagapay sa
takbo ng mundo – sa ebolusyon ng pamumuhay sa makabagong panahon?!
Not
that I envy our foreign counterparts that they do not have to pay telecom
companies to join the advancement on technology, how can we abreast with the
world’s progress – lifestyle evolution
in modern times if only a FEW can AFFORD this internet technology and not all
places nationwide have access.
Bukod sa
transportasyon, mahalaga ang gingampanang papel ng komunikasyon sa pag-unlad.
Hindi lamang ang mga kalsada na dinaraanan ng mga kalakal at bunga ng lupain
ang dapat paunlarin maging ang kakayahan nating pang-komunikasyon sapagkat
nagagamit lamang naman natin ang mga daanan kapag nabuo na ang mga
transaksyon.
Aside
from transportation, communication plays a vital role in Development. Not only
the roads (where goods and farm products pass) have to be fixed, we have to
prioritize our ability to communicate because we can only use the roads when
deals are made.
Isa sa
pinakamurang uri ng komunikasyon ang hatid ng internet. Maari ring makapag-fax,
makapag-video call at mai-presenta ng
mas malinaw sa pamamagitan ng mga video
at aktuwal na larawan ang mga produkto at serbisyong maaring maibigay ng isang
mangangalakal. Lalo na kung ang layunin natin ay mapasok ang larangan ng eksportasyon – hindi nga ba at miyembro
na tayo ng ASEAN at APEC sana naman itambal ng magiging bagong pamahalaan ang cyber-development dito. Laganap na ang
mga negosyo o hanap-buhay online. Madaragdagan din sana ang mga oportunidad na home-based.
Ngunit sana kung
mangyari man ang pag-unlad na ito ay kaagapay din namang maprotektahan ang
seguridad ng ating bansa at nating mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapanukala
ng mga batas na may kinalaman sa mga limitasyon at wastong paggamit nito(internet),
sa mga indibidwal at kompanya at maging sa pagsupil sa mga masasamang-loob.
Among
the cheapest ways to interact is via the internet. Capitalists can also send a
facsimile, make real time video calls and do business more clearly with the use
of video and actual photos of the products and services thru internet. This is
a MUST if we plan to penetrate exportation – remember, we are already a member
of ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) and APEC ( Asia-Pacific Economic
Cooperation), I hope that cyber-development could go in PAIR of those for a
reliable outcome. Business and job opportunities are prevalent online. BUT if
this progress could ensue, I also hope that we can concurrently protect the
security of our nation and the inhabitants as well, in formulating bills /law
that have something to do with the use and limitations of it – companies,
individuals and to abolish bad elements lurking and using the internet.
Sana lang,
makapag-proyekto ang gobyerno ng malawakang cyber-development
na magiging libre at accessible para
sa lahat. Lubhang malaki ang budget natin sa ngayon dahil sa
pinaigting na singilan ng buwis, kudos kay Gng. Henares. Ayokong maging
negatibo pero ang maaaring makahadlang lamang sa realisasyon nito ay ang mga telecom giants siyempre wala na silang
kikitain pag nagkataon.
Again,
I hope that our government can realize an extensive cyber-development that can be FREELY accessible to every Filipino.
We do have bigger budget this time because of the enhanced tax collections,
kudos to Comm. Henares. I do not want to be pessimistic that telecom giants can
zero-out this idea knowing they would earn less or nothing at all.
VI. Makapaghalal sa
May Kakayahan at Karapat-dapat Mamuno:
Election of Qualified Leaders
Mangyayari
lamang ang pag-unlad natin sa tulong ng
isang magaling, mapagkumbaba at may takot sa Diyos na mga pinuno. Kung minsan
ang galing
ay nasusukat sa karanasan at mga nagawa na. Ang kapakumbabaan naman ay sa
pakikiharap sa taumbayan at pagdinig sa mga opinion at suhestiyon na MAAARING
makatulong sa hinahangad na pagbabago-tayong mga mamamayan ang siyang dapat
lagi nang maging basehan ng pagpapasya nila kung ano ang makabubuti para sa
atin. Kapag may takot sa Diyos- ksabay na nito ang pag-iwas sa mga gawang
masama gaya ng pangungurakot, pagpatay at kawalang katarungan.
Our dream of
progress can only happen with the help of a proficient, down-to-earth and God-fearing leaders. Sometimes,
proficiency CAN BE based on experience and accomplishments. Humility, is the
way a leader approaches his constituents – hears them and take opinions for
consideration to help attain a big change. We, the citizens should have always
been the leaders’ gauge in determining what is good for us. God-fearing leaders
– will stay away from stealing, killing and injustice.
Ang
kakayahan nating makapaghalal ng mga mabuting mamiminuno ay nahahadlangan ng
PANDARAYA tuwing eleksiyon. Kapag sinuhulan ka para iboto si ganito, kunin mo
ang pera pero manatili ka sa plano mo. Sundin mo ang nauna mong pasya kahit wala
pa sa listahan iyong nanuhol sa iyo. Ang posibilida ng pandaraya ay karaniwang
sa ‘bilangan’ nagaganap (kasi wais na ang mga kapwa natin Pilipino ngayo. Ang
paraan ng pagboto ay makabago, sana naman po hindi din high-tech ang dayaan.
Our ability to elect
GOOD officials is hindered by election fraud. If you are paid to vote a
candidate, get the money and stick to your old plans even if it does not
include the briber on your list. The possibility of fraud lies in the COUNTING
itself (Filipinos are becoming wiser these days)– the voting system is
high-tech, I do hope that cheating is NOT also on that same level.
Side
Story II (Political Analysis and Observation):
Nangyayari
na ang black propagandang ng tulad ng
mga nagbabanatang kandidato ngayon sa probinsya namin sa Nueva Ecija noon. Ang
gobernador na napakabait ay naakusahan yata ng isang krimen at mukhang pinalabas
na masamang tao sa isang istasyon ng telebisyon (trial by publicity). Hindi na
nabawi ang reputasyon niya.
Kaya
hindi po ako basta-basta napapaniwala ng mga negatibong banat sa mga pulitiko.
Mayroong totoo at mayroong gawa-gawa lang. Hindi
lahat ng nakikita natin sa mga balita totoo agad maaring ang mga nakapanood
na nasa iba’t-ibang bahagi ng bansa ay napaniwala ngunit kami na mga Novo
Ecijano ay naninindigan sa kabutihan ng dating gobernador. Sapagkat ang balita kapag naibalita na – naka-damage na hindi naman sila nag-aadmit ng
kamalian kung mayroon man. Kapag iresponsable kang reporter , hindi mo
na kailangan magpagod para mangalap ng balita at mga patotoo sa balita mo kasi
mayroon ka nang sarili mong gawa, Magpapagod ka pa! Hindi ka naman handang
tanggapin ang nakikita mo o ni ang pinatutunayan ng mga pangyayari at mga taong
makakausap mo kasi natapos na ang lahat sa isipan mo. Kaya bilib pa rin ako sa
mga istasyon gaya ng channel 5 at 7 na patas
at totoong walang kinikilingan sa pagbabalita. Responsable maging ang mga mamamahayag nila kaya patuloy ang
pagtanggap ng mga pagkilala at parangal mula sa mga pamosong award-giving bodies hindi lamang sa
bansa kundi maging sa Asya.
A black propaganda
like what is happening today with our politics (pulling down one another by
exposing ‘anomalies?!’ ) has happened
in our province in Nueva Ecija many years ago. The very kind governor is
accused of a crime and is put on trial by publicity in a tv station. His reputation (throughout the
country) is not regained anymore. Not all we see on the news speak of TRUTH,
those who have not met the governor personally (is just watching the news) and
is not a Novo Ecijano may be fooled but us (constituents) who are lead by that
poor man firmly believed of his innocence.
News, after it was
aired on National TV – can make HUGE damage, and media is not admitting
mistakes later on if there is – it boils down to responsible journalism. Not
editing videos to blame somebody else for an accusation. Hearing BOTH sides of
the story not clinging on one side because the other contradicts the reporter’s
belief or conviction or he can gain material benefit. You can not be a responsible
journalist/reporter if you REFUSE to let go of your own opinion when hearing
both sides and studying circumstantial evidences because you need not go out to
find a news item – you already have on your own. That is why I salute channels
5 and 7 for being professional and unbiased in reporting – not just finding a
scoop that is a sure HIT without analyzing and weighing the circumstances. Both
stations and their journalists are recognized for their fair reports – they
received awards from PRESTIGIOUS organizations like Reader’s Digest Asia (for
Ms. Jessica Soho’s impartiality and responsible journalism) etc.
May
mga akusasyon, may mga dokumento ‘daw’ sa ilang kandidato ngayon na
alam naman nating madali lang pekehin at maipagawa sa Recto... Huwag po tayong
padalos dalos sa paghusga hindi lahat ng ‘mukhang’ mabait ay mabait na
talaga…at hindi rin lahat ng inaakusahan, criminal na – pero huwag din po natin
isantabi na maaring may bahid ng katotohanan din ang ILAN hindi naman lahat.
Ngunit
kung papipiliin ka ano bang mas gusto mo yung maingay pero wala naman makitang
trabaho o ginawa hindi din natin alam kung hindi talaga kurakot (sila lang sa
sarili nila nakakaalam niyan)? Ang taong na iiwan ko sa inyo ay saan at kanino
kaya tayo mas makikinabang?
There are
accusations, documents ‘as it appears’
to prove(?!) today’s political candidate’s
deficiency BUT we all know that
documents can be forged and falsified – that is how Recto is known for…let us
not be random in judgment. Not all who ‘looks
good’ is really good…and not all who are accused are already criminals –
but let us not set aside that some has a tinge of truth but not all in the
news.
If you are to
choose, will you go for those talkative politicians but has not shown any
accomplishment at all that we are not sure if has not really embezzle funds
from our national coffers (they only knew it for themselves)? The question to
ponder on is where and to whom can we benefit more?
May
mga kandidato po na tunay na mabait pero kung minsan ang tagumpay ng pamamalakad
nasa karanasan din – bawas na ang trial and error stage. Naiiwasang maging
dummy o tau-tauhan at di kailangan ng
maraming adviser kung talagang alam ang gagawin.
There are
candidates today that are really kind-hearted
BUT the success in governance sometimes lies in the experience of the leader –
lessens the ‘trial and error stage’. Being a dummy
is NOT a consideration and does not need a lot of advisers if he really knows
what he is doing. Listening to experts’ advise is welcome but not necessarily
deciding from it.
Kailangan
natin imulat ang mata sa nakikita natin at pakiramdam. Pero hindi ko po
malilimutan si Gob. Edno Joson dahil dun lamang po ako nakakita ng literal na
dinudumog ng tao walang nambabalyang mga guwardiya. Pagpasok mo sa opisina
hindi mahulugang karayom dahil puno ng tao at si gob kasama nilang nakatayo
duon. Napaka-mapagkumbaba niya at malapit sa tao parang ang dating Pangulong
Ramon Magsaysay. Samantalang sa opisina nung dating alkaldeng namayapa na
daraan ka sa sekretarya itatawag ka pa bago makapasok at daming kabuntot na
guwardiya ni dulo ng daliri hindi mo makamayan. Scholar kaya ako ni Gob nung kolehiyo pa ako, isa po ako sa
nakatikim ng allowance mula sa pamahalaang panlalawigan. Nalungkot din po ako
nung ikulong siya. Dami nga pong tao ang nagalit nuon at nag-welga sa harap ng
kapitolyo, sinubaybayan ko iyon sa tv sa bahay kahit wala kami duon
nakikisimpatiya kami kay Gob. Wala ding nangyari – panahon ng eleksiyon
magpapatayan?! Obvious na ang magiging suspek siyang kalaban bakit niya gagawin
iyon?! Sa totoo lang, hindi kailangan gawin iyon ni Gob dahil mula at mula pa
lahi na nila ang pinagkakatiwalaan at inihahalal ng taumbayan. Hindi ko po alam
kung ‘koneksiyon’
ba o ‘galing ng abugado’ ang naging usapan nuon…
We have to open our
eyes on what we see and feel. But I have to tell you I can not forget Gov. Edno
Joson – because until now I cann say that he is the only politician that was
literally mobbed without the security aides. When you enter his office, you can
not find the needle you dropped because it is filled of farmers and other
citizens waiting to tell him their stories and requests. He is among the people
standing inside the room that looks like an over-loaded elevator. He is so
humble and close to the people – he dressed simply, speaks softly and ever
pretends to smile all the time nor waves his hands like how the late President
Ramon Magsaysay has been closed to people.
Compared to the assassinated mayor (running for governor too that time),
you have to passed the secretary and be asked first inside if you are welcome
to come in and was escorted by tons of bodyguards- you really can not touch the
tip of his finger unlike the governor that never shows he is not our level. I
was then one of the many college scholars of the Provincial Government being
deprived of the valedictorian title – not having a free tuition in college. I
was among his grantees of the allowance – we have not personally met but I know
he helped me and other students regardless of their academic average as long as
they have the urge to finish college. A lot of people protested and made noise
hoping to be heard on their cry for the freedom of the governor, they
surrounded the Provincial capitol never wanted to give him to the authorities.
Many literally cried for the little, thin but kind-hearted man being arrested
for a ‘crime?’.
Election period
that time, if you are to kill your rival – you will be the primary suspect. The
governor need not do that because if you are to visit our Provincial Capitol
the photos of the past governors are displayed on its walls – all from his
clan. Since the old days, people trust them and elected them. Very FEW know
that someone who will really benefit from it must have orchestrated everything.
Dreaming that the sympathy vote that was earned by former President Corazon Aquino
could happen. I had to stop there. Because of that, the former governor became
an inspiration to me – not to randomly take what is fed
on the news. There is always the benefit
of the doubt to consider especially if the news is empty – not packed with
CLEAN and VERIFIABLE evidences plus reliable witnesses.
VII. Kapayapaan at
Katahimikan
Peace and Order
Naniniwala
po akong ang katahimikan at kapayapaan ay hindi lamang sa balikat ng magiging
pangulo nakaatang. Kasama sa pagsasakatuparan nito ang mga mambabatas na
magpapanukala ng mga batas na lulupig at magsisilbing babala sa mga criminal.
Maging ag mga pulis, sundalo atbpng. puwersang pang-seguridad ng bansa na
siyang magpapatupad nito at napakahalga rin ang pakikipag-tulungan ng mga mamamayan.
I also believe that
peace and order does not necessarily
lie on the shoulder of the incoming President of the country. It still lies on
the law-makers to establish fearful laws for the criminals and for the policemen
and armed, naval forces (and other security personnel) – and the collaboration
with the citizens.
Sana
hindi LAHAT ng mga pulis laging nasa istasyon, ngunit kailangan din amang may
tatanggap ng mga tawag at naka-standby na din dun sa pag-responde. Dapat MAY
lagging nakabantay sa mamamayan sa paligid. Bago pa sila tawagan nandun na sila,
matatakot pati mga masamang elemento na gumala kapag may police visibility sa lansangan. Kung maibabalik ang parusang bitay
(sa mga killer, rapist, drug pusher at users) baka makabawas ito sa lumalalang
insidente ng krimen. Ang pagiging mapagmatiyag at ang mga pribadong CCTV ng mga
ordinaryong mamamayan ay makatutulong din sa pagre-report kung may mga
kahina-hinalang tao o dayo sa paligid. Mauunahan ang krimen – dapat po sana
mapalakas ang paglaban natin dito hindi lamang ang paghuli sa mga criminal.
Dahil wala tayong huhulihin kung walang krimeng magaganap.
The policemen
should not always be in their station (just a few of them to receive complaints
and responders etc.) because they can be notified by the station if a reported
incident happened within the area of their responsibility – if the men are
posted on strategic locations throughout the country. There must be police
outposts at a particular distance. But I think we still NEED to recruit MORE
POLICEMEN to realize this. Before they could have been called for help they are
already in the vicinity. There are just a few minutes to respond.
Kaya
tanggapin na natin ang mga regalong mobile cars and kagamitan ng US – gusto
lang naman nila ng ka-alyado at makatulong kaya nila ginagawa iyan at sadyang
madami silang budget para makapag-donate. Sabi ng iba ayaw daw pumayag nng ilan
kasi hindi na daw bibili, hindi ba pabor sa atin iyon? Sa iba hindi kasi may
kurakot kapag may binibili, kapag walang bibilhin – wala din silang ibubulsa.
We should have
accepted gifts of mobile cars and stuff from the US – they just wanted us to be
their friends, they wanted to help too and that is just loose coins from their
budget. We do not have to think always
of reasons why foreigners are kind to us. That is charity and friendship. Other government officials never wanted to
accept it. Others commented that because there is no need to purchase meaning
no money to put in their own pockets…
Disclaimer:
This Blog and its Editor is NOT in any way ENDORSING candidates for elections, some politicians have been mentioned just because of the commendable deeds or projects needed to be disclosed for example purposes.
Wala pong layunin ang Blog na ito at ang Editor na mag-endorso ng sinumang kandidato. Nailahad lamang ang mga pangalan ng ilang politikong may kahanga-hangang proyekto at nagawa bilang patotoo sa halimbawa.
No comments:
Post a Comment