Corn Soup Tips

This post is written in two languages - English-Tagalog. I hope everybody enjoys reading it.

Would you believe that the first time I tried cooking corn for a meal I shred it from the cob in one slicing using an ordinary knife.  My hands get swollen and it took me more than maybe half an hour to finish. Since I shred it once I had it from its clinging to the cob, whole tiny yellow bits of it.  I have eaten sautéed corn many times but never noticed that it was not shredded that way. I know now why ‘corn taste’ is missing.

I love cooking a meal made from corn for my family. I also cook it as comfort food or as a snack with glutinous rice, sugar and coconut milk.  I really love its natural taste that comes out when shredded. For some of you who may not tried yet to cook corn here are tips and a simple recipe:

Maniniwala ka ba na nuong unang beses kong subukang magluto ng mais na pang-ulam tinanggal ko ito sa cob ng isang slice ng kutsilyo. Namaga ang kamay ko at kinalyo sa tigas ng hilaw na mais at inabot yata ng kalahating oras ko mataposang isang kilo. Naku, hindi ko alam na mali pala na hiwain ng buo ang mga butyl kaya pala ung lutuin ko na walang lasang mais dun sa sabaw. Nakakain na ako ng ginisang mais na luto ng iba pero hindi ko napapansin paano ito hiniwa. Alam ko na ngayon kumbakit walang lasa.

Gustong-gusto kong magluto ng mais ulam man o merienda para sa aking pamilya. Kapag ulam ginisa lang. Kapag merienda may malagkit, gata at asukal. Masarap kasi ang natural na lasa nito kapag nagayat na.  Para sa iba sa inyo na kagaya ko din dati, sa mga nag-uumpisa mag-pamilya at hindi pa gaanong sanay sa  pagluto nito, narito ang tips at may kasamang simpleng recipe:


Ingredients:

Shredded corn
A cup of water for every small corn cob
Chicken or pork slivers (sahog)
Pork or chicken cube, diced (optional) / Better if chicken or pork broth
as healthier option
Malunggay leaves(moringga) or ampalaya leaves (bitter gourd)
Onion, garlic, cooking oil
Small egg
Salt or fish sauce, ground black pepper (to your taste)


Tip 1:
Use a shredder NOT a knife for faster and easier job. Better place it in a slanting position in a bowl where the drippings can accumulate while shredding like in the images below. Slide the corn in the shredder without pressing it tightly so you can only slice half of the tiny bits then just slide it again to finish that part of the cob. That is where the taste is coming from, whew! Not in small whole bits of corn…

Naku, huwag na huwag kutsilyo ang gamitin mo sa paghiwa sa mais. Maawa ka sa kamay mo at padaliin mo ang trabaho mo. Gumamit ka ng slicer na kagaya ng sa ibaba. Gumamit din ng mangkok na kasya ito upang masalo ang mais pagkadaan sa panghiwa. Ikakaskas o gagadgarin mo lang walang kahirap-hirap at mabilis pa. Huwag mong pakadiinan ang unang pag-slide ng mais para half lang makuha mo. Dapat pala ganun para malasa, i-slide mo na lang uli hanggang malapit na sa cob.


Tip 2:
Cook your meat first in salt and MSG (if you will not use boiled) in 1/3 cup water and a tablespoon of oil wait till the water evaporates and it fries before you add a little more cooking oil for sautéing. Meat slivers taste better this way.

Lutuin mo muna ang karne ng baboy sa asinat vetsin(kurot lamang) na may 1 kutsarang mantika at mga 1/3 cup na tubig. Intayin mong matuyo at maprito sa mantika ang karne bago mo uli dagdagan ng mantikang panggisa. Mas malasa ang sahog sa ganitong paraan.

Procedure:
Saute onions and garlic with the meat slivers then add shredded corn. When mixed with oil, add water. Water will be absorbed by the corn to cook it just add more to attain the consistency you desire (whether gooey or not). Make sure to try the corn if it is cooked before you stop adding needed water as a soup. If you are to use pork/chicken cube rather than broth, put it first so you can determine how much more salt/fish sauce you will still need. Then add ground black pepper when the corn is cooked after adding water for the soup.

Igisa ang sibuyas at bawang kasama ng sahog. Idagdag ang mais. Lagyan ng tubig kapag nagisa na ang mais at humalo na sa mantika.  Dahil nasisipsip ng mais ang tubig dagdagan ng tubig para makuha mo ang gusto mong lapot o labnaw ng sabaw. Tiyaking luto na ang mais baka kailanganin pang magdagdag ng pansabaw kung naluto na nga ngunit natuyo naman. Timplahan lamang kapag muli nang kumulo pagkatpos magdagdag ng tubig. Kung gagamit ng pork cube, unahin ito upang malaman kung gaano pang asin o patis ang idaragdag. Kung ordinaryong sabaw na pinagkuluan naman at walang timpla, timplahan ng patis o asin ayon sa iyong panlasa. Lagyan ng pamintang durog. Ilagay ang itlog.

Tip3:
Break the egg directly into the pot using a fork. And use that same fork to mix the egg in a circular motion, never use a ladle because it can not break-down the egg white and yolk in beautiful thin strips. It looks better than beating the egg separately in a bowl – I do that with most of the soup that needs egg.

Hatiin ang itlog gamit ang tinidor sa mismong niluluto at ihalo (paikot) itong mabuti sa soup gamit pa rin ang tinidor huwag sandok. Mas angkop ito kaysa babatihin ang itlog ng bukod sa bowl kasi mas maganda tignan ang soup kapag puti ang hibla ng itlog na nakahalo. Ganito ang gawa ko sa anumang dish na may itlog na niluluto ko pwera lang sa sarciado.


No comments:

Post a Comment