The 'Pros' and 'Cons' of Gadgets on Children

My children before were asking for dolls or other toys on special occasions likethis upcoming school closing. But nowadays, they are really influenced by high technology too, they opt for a touch screen, tablet or notebook for a gift.

Noon ang hinihiling lang na regalo ng mga anak ko ay manyika, clay o iba pang laruan sa tuwing may okasyong gusto nilang makatanggap ng regalo gaya nitong nalalapit na pagtatapos ng pasukan/klase. Talagang hindi na mapigilan ang epidemya ng teknolohiya – pati mga bata ay naiimpluwensiyahan na din. Bakit kamo? Itong mga anak ko, sampu at pitong taong gulang gusto na din Android cellphone, tablet at notebook pa kamo!

My firstborn Angel had her earliest try on computer when she was four. I can remember the trending game then is Farm Mania. She was just watching me and her father at first then we never really notice when she plays by herself without our guidance. By five, she also learned MS Word basics typing/encoding and drawing on Paint app.

Yung panganay kong si Angel ay nagsimulang humawak ng computer noong apat na taon pa lamang siya. Naalala ko uso pang game noon ang Farm Mania. Nanonood lang siya sa amin ng tatay niya sa simula hanggag sa hindi na lamang namin napansin na naglalaro na pala siyang mag-isa.  Limang taon naman siya nang matutong gumamit ng MS WORD ang encoding at pagguhit sa Paint app.

I wonder what is the difference between the hobbies of today than that of the old days. Basically, studies prove that more and more children get obese at a younger age because they cut on exercise or body movement – instead of doing some other things that would make them sweat they tend to get satisfied sitting around while playing games on their Android gadgets. 



Iniisip ko ao nga bang kaibhan ng mga libangan ngayon sa libangan noon. Nasabi rin sa ilang mga pag-aaral mga batang lulong sa paglalaro ng Android gadgets ay nagiging sobra sa timbang – kasi nababawasa ang ehersisyo nila – imbes na magpapawis o gumawa pagkatapos kumain, nakaupo o nakahiga na agad para mag-games, kuntento na sila duon.

Even virtual pets are invented, virtual farming too. I do hope that children do not feel completely solved with those games or that it will just serve as a training apps to make them excited trying the real equivalent of having pet or urban farming (at home with soil in pots and cans).  I would not be surprised if a VIRTUAL PARENT can be invented soon…whew! If that app would give them all they wanted, we must be scared for that to happen; they might talk or give more time to that thing than to us, their real parents.

Naku, naimbento na rin ang mga alaga sa cellphone- aso, pusa, rabbit meron maging ang pagtatanim/pagsasaka mayroon din.  Sana naman ang mga batang ito huwag maging sobrang kuntento  sa mga games na iyon para hindi na sila mag-ambisyong magkaroon ng mga ito sa tunay na buhay – mga alaga o dili kaya mga tanim kahit sa paso lang kung nasa siyudad kayo. Hindi na ako magugulat kungmaimbeto na rin ang virtual parent kasi may mga virtual babies na nga e kaya hindi talaga malayong mangyari ito… Naku baka yung magulang na yun ag magbigay sa kanila ng lahat g permisong pabor sa gusto nila – nakakatakot mangyari iyon at baka mas kausapin o bigyan pa nila ng panahon ito kaysa sa atin sa katotohanan.

We bought Angel and Riana their very first tablet November 2013.  They are just content playing games offline then. Now, interactive games become a fad- my daughter is playing on her android phone while other players (like Riana, her sister) are on that same field participating using each of their own gadgets too. ‘The Minecraft’ has become my children’s favorite.

Binilhan naming ang aming mga anak ng tablet noong 2013.  Dati kuntento na sila maglaro ng games kahit offline lang. Ngayon, nauuso na yung mga games na may kalaro online – na naglalaro sa isang game board o scene gamit ang kani-kanilang gadgets. Paborito nga nila ngayon ang ‘Minecraft’.

Pros (Kabutihan)
They get familiar with computer usage that soon they can apply at later age.

Natututo silang gumamit ng computer nna maari nilang pakinabangan sa paaralan o sa ibang bagay habang lumalaki sila.

Leisure becomes a onetime expense buying the gadget and lessens more expensive buying tokens in game zones, strolling, malling etc.

Nagiging isahang gastos na ang paglilibang at hindi na kailangan pumunta sa mga game zones na kailangan bumili ng token para mag-enjoy, bawas na rin sa gastos ng pamamasyal etc.

It can be educational if we chose to give them learning apps from Google Play.

Maaari ring maging edukasyonal dahil maraming apps na naimbento ngayon na naghahasa ng kaisipan.

Cons
Not just their eyes are glued to the screen BUT their mind and physical body.

Hindi lang paningin nila ang hindi maalis sa screen ng gadgets pati ang kanilang katawan at isip.

It might cause them eye-strain due to over-exposure to radiation.

Makapagdudulot din ito ng pagkapagod/sakit sa mata dahil sa sobrang radiation kung maya’t maya ang gamit nito.

Phones teach children shortcut spelling, omitting letters or using numbers that sounds the same like ‘LATE’  becomes ‘L8’ etc. cutting on sending cost or hurried messaging.

Ang mga cellphone barok ang natutunang ispeling ng mga bata palibhasa’y gustongmagkasya sa isang padalaha ng mensahe kung maari o limitado at nagmamadali sa pagtetext.

Gadgets teach them irresponsibility. They forget everything once they start playing. They forgot to fix the bed from the time they wake-up or even brush their teeth! I am talking to Angel Reign thrice before she can HEAR me.

Natuturuan din sila ng mga gadget na ito na maging iresponsable. Nalilimutan na kasi nila lahat ng kailangan nilang unang gawin kapag nasimulan na ang paglalaro.  I magligpit ng higaan mula pagkagising nalilimutan na nila o kahit nga magsipilyo ng ngipin. Nakaka-ilang ulit ng sabi na ako bago pa ako marinig ni Angel.

It affects their schooling. I have never seen my child doing her assignment since we gave her the phone. 

Nakaaapekto rin ito sa kanilang pag-aaral. Hindi ko na nakita ang mga anak ko na humawak ng notebook para gumawa ng assignment mula ng regaluhan naming ng cellphone.

Bullying-prone because of the gadgets they own. Older children wants the gadget not having theirs.

Nagiging daann din para kainggitan ng mga mas may edad na bata at walang gayong laruan kaya – inaaway o inaasar lagi.

They also became lazy lacking exercise. Angel Reign holds her Android phone the moment wakes up till I ask her to stop, she would not quit unless I reprimand her.

Nagiging tamad din sila dahil wala nang exercise. Naku ag anak ko nga hawak ang cellphone niya mula pagkamulat hanggat hindi ko nasasabihang bitawan ayaw talaga lubayan.

Others became obese, retaining the calories from the food they eat and not having enough physical activities to burn them.

Ang ibang mga bata nagiging sobrang matatab na dahil pagkakain upo o higa agad habang naglalaro – hindi na halos ma-tunaw yung kinain nila.

Learning adult-related matters such as boy-girl relationships thru some Android games. The liberated attitude of characters that teaches courtship, girls approach boys, dress provokingly-sexy, speak and react rudely or even applying make-up.

Natuto pa ang ibang bata ng mga bagay na para sa mga nasa hustong gulang lang sana gaya ng mga relasyon etc. dahil sa ibag Android games na gayon ang tema. Pati ang mga masiyadong agresibong karakter sa mga games ay nakapagtuturo ng hindi maganda. Sa mga kabataang babae mayroon games na nagliligawan, babae ang lumalapit, magdamit ng mga seksi at pati nga pag-ma-make-up.

Recommendations:

- DO NOT confiscate the gadget. Have them enjoy the taste of updated technology. Just set TIME LIMITS. Say for example 1-2 hours a day. At home, I told them that the minute the phone’s battery reached 15% that is the time to STOP. Totally emptying the battery can somehow affect battery life. They can charge BUT can not play again for the day not till the NEXT DAY

Huwag nating kunin ang mga gadget nila. Ipalasap natin sa kanila ang pag-unlad ng teknolohiya. Kailangan lang natin magtakda ng limitasyon. Halimbawa isa hanggang dalawang oras sa isang araw. Sa bahay,kapag naabot na ng battery g gadget ag 15% pinatitigil ko na sila ipinaliwanag ko na kapag hinahayaan nilang ma-drain ng tuluyan ito makaapekto sa performance ng battery, madadali ag pagka-lowbat nito. Pwede nila itong i-recharge pero bawal na gumamit uli, bukas naman.

- Ask them to FINISH important TASKS like assignments or household chores assigned to them before embarking on their leisure time.  At home, I asked them to do their assignments first coming home from school then have their snacks while playing. Or during off-school days, I ask them to do some little home chores (fixing the bed/putting the slippers on the rack, sweeping the floor etc.) before I allow them. 

Sabihan silang tapusin muna ang mahahalagang dapat gawin tulad ng assignments o ilang mga gawaing bahay bago maglibang. Sa bahay, binibigyan ko ang mga anak ko ng maliliit na responsibilidad gaya ng pagbabalik ng mga tsinelas sa sabitan, pagliligpit ng higaa, pagwawalis etc. bago ko sila payagan.

- Guide them to choose learning games. There are a lot to choose from not just the hated Math and Math tricks, there is also foreign language learning, cooking (recipe) apps and games, word games etc. 

Turuan natin silang pumili ng ng mga laro o apps na may mapupulot o matutunan silang mabuti. Hindi lamang ang inaayawan nilang Math ang mayroon, mayroong pag-aaral ng iba’t-ibang wika, pagluluto  (may Pinoy Recipes nga) na apps at games, mga word games, mayroon ding app na nagtuturo ng Math tricks upang mapadali ang pagsagot sa mga Math problems.

We have to tell them why we are doing such,that we do not want them to grow IRRESPONSIBLE and get accustomed to the LEISURE FIRST BEFORE DUTY ATTITUDE that if they remain that way they will end-up doomed someday. And all the bad effects to their physical health we must letthem know.

Kailangan nating ipaliwanag bakit natin ginagawa nag pagkontrol sa paggamit nila ng mga gadgets, na ayaw natin silang lumaking iresponsable at masanay na inuuna ang paglilibang kaysa sa tungkulin o mga importanteng bagay dahil kapag nananatili silang gayon sila din ang kawawa balang araw.  At lahat ng mga masamang epekto nito sa kalusugan ay kailangan din nating ipaunawa sa mura nilang isipan.

The proof that this has really been a problem to parents is that it gave rise to a rehabilitation school to combat this growing incidents of  kids’smart phone/gadgets and internet addiction. I just watched the news today (Mar. 7, 2016) in Al Jazeera – there is now a school in Wuju, South Korea dedicated to smart phone and internet addicted kids. There I saw that the children are not allowed to use their phone inside. They are diverted to other activities like board games and most especially reading books. The head of the school said that they do not aim to totally eliminate the smart phones and internet use of the enrollees but to make their use in MODERATION. Anything done excessively that affects the normal course of living of an individual becomes an addiction.


Ang katunayan na iniinda na talaga ng mga magulang ang suliraning ito ay ang balita sa Al Jazeera (3/7/16) na mayroon na ngayong paaralan/sentro ng rehabilitasyon na itinatag sa South Korea para sa mga lulong sa paggamit ng smart phone/gadget/internet. Ipinakita ang mga bata na nagbabasa ng libro, naglalaro ng mga board games at bawal ang gadgets. Ang layunin daw ng kanilang paaralan ay hindi para tuluyag alisin ang gadgets/internet sa buhay ng mga bata kung hindi malimitahan ang paggamit lamang nila ang paggamit ng mga ito.  Anumang bagay na ginagawa na nakaapekto sa ormal na gawain o buhay ng isang tao ay maituturing na adiksyon.

No comments:

Post a Comment