Graduation Speech Outline Plus Sample

Graduation Speech Outline
I. Greetings
- to the attendees (co-grads/parents/teachers)
-special mention of the guests (VIPs)

II. Introduction
You may start with a quote for a change.  Make sure it is somehow related to the Theme of the Program.  In my child’s case – the theme is about celebrating the event as a step for a brighter future ahead of the graduates

What I wanted to mean is that deviate from the USUAL. Think of something (not to impress) but to start your speech with a very interesting statement that MAY capture your audience.
It must be in a conversation manner – as if you are talking to a single person  - your guests as one.

III. Body of the Speech

A.
-This may tell a SHORT story of your  journey before the day.
-Or an inspirational talk for your co-graduates to let them feel what you think you are ‘INTO’ after graduation, what awaits you.
-tips that they can keep to motivate them to strive for more
III. Acknowledgment
- Thanking those instrumental on your success in finishing this level of education
-parents/teachers/love ones/alma mater
 Optional
- what you can possibly contribute to your family, the society and the country.

IV. Closing
- Wishes for your batchmates
- Encouraging words
- Hooray for the parents, teachers and co-grads

Reminder:
It need not be that LONG, what is important is you say all what you think WORTH mentioning especially paying gratitude to those who have shared to your  level achievement.
I hope again this is somehow helpful to you parents, teachers and students who are preparing for the upcoming graduation.  Have a great day! Angie

--------------------

My Daughter’s Graduation Speech

Her being the academically topnotcher in her class, she is privileged to have minutes of a speech on their Graduation.  Here it is to give you some idea how it goes and yes you can have it as your outline in case you need one.

Sabay-sabay na Hakbang tungo sa Maunlad na Kinabukasan (DEPED Theme)
ANGEL REIGN 
Valedictory Speech
Apr. 5, 2017

Magandang umaga po sa aking mga kamag-aaral, aming mga mahal na magulang at guro at sa ating panauhing pandangal Gng. Meilani Luna Adan.

Ito pong araw na ito ay mas ninanais kong tawagin nating ‘Simula’ o Commencement kaysa ‘Pagtatapos’ dahil naniniwala po akong isang hakbang po ito sa inaasam-asam naming magandang kinabukasang MAAARI naming MARATING.

Mga co-starters, kailangan nating magsipag, magtiyaga ngunit  dapat una sa lahat MANGARAP.  Dahil ang pangarap na iyon ang magsisilbing ‘goal’ o mithiin natin – dahil kung wala ito, para tayong naglalakad nang nakapikit-hindi alam kung saan tayo patungo. Dapat alam mo ang gusto mong mangyari sa buhay mo, kung ikaw ba ay kuntento na sa buhay mo ngayon o gusto mo naman kahit papaano ng pag-unlad at pagbabago lalo na hindi lamang para sa sarili mo maging para sa mga mahal mo sa buhay. Sabi nga DREAM BIG, libre naman mangarap.

Hindi dahil dito tayo nagmula sa maliit at simpleng paaralan, hanggang dito na lang tayo. Maging inspirasyon natin ang pagmamahal,paghihirap at tulong ng ating magulang at  guro para gustuhin nating maging PROUD sila sa atin.  Makakamit natin ang magandang bukas sa tulong ng Diyos – hindi natin kaya ng tayo lang. Kahit marami tayong gusto kapag hindi pinahintulot hindi mangyayari kahit anong pagsisikap ang gawin natin. Madami nang ganyang  kuwento. Gawin mo ang lahat basta hindi masama at wala kang matatapakang ibang tao – umaasa ka malaki ang PAG-ASA mong magtagumpay.

Para sa aming mga magulang salamat po sa inyo, umasa po kayong hindi ito ang huling entabladong aakyatan nyo. Kulang po ang salita para mapasalamatan namin kayo. Sa aming mga mahal na guro, saan man po kami dalhin ng mga pangarap namin  “Mam Sir, lilingon at lilingon po kami sa inyo…”, aalalahanin naming kabahagi po kayo nang anumang mararating namin, maraming salamat po sa inyo…

Sa ating lahat mga graduates ng  Batch 2017 Villageda Elem., hinihiling ko  ang magandang hinaharap para sa atin. Simulan na natin ang paghakbang tungo sa mithiin nating bukas.  Hindi madali ang bawat araw o taon na darating ngunit isipin natin na mas masarap namnamin ang tagumpay kapag pinaghirapan. Nawa huwag tayong magpahuli sa tawag sa ating millenials. Umagapay tayo sa pag-unlad ng mundo. Maging PAG-ASA din nawa tayo ng ating mga magulang, karangalan ng ating mga guro, at PRIDE ng ating bansa.
Papuri sa mahal nating paaralan, Villageda Elem. Mabuhay aming mga magulang! Mabuhay aming mga guro , mabuhay kapwa ko 2017 graduates! Maraming Salamat po.

No comments:

Post a Comment