Timbang I-wasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo

Sa panahon po natin ngayon mataas na ang antas ng teknolohiya. Nakaimbento na ang tao ng mga paraan para iwasto ang sa tingin nila ay hindi tamang timbang.Nariyan ang mga iba’t-ibang kagamitang pang-ehersisyo at ang pinaka-pamoso sa lahat ay ang mga gamot na pampapayat o pampataba, depende sa pangangailangan ng bawat indibidwal.  Ngunit hindi lahat ng uso ay mabuti,  gaya na lamang ng mga kagamitang pang-ehersisyo bago ka magkaroon nito kung ikaw ay ordinaryong mamamayan, sakripisyo sa budget mo, mahal nag karamihan sa mga ito…gayundin ang mga gamot  kailangan din gugulan ng salapi. Higit sa lahat madami sa mga gamot na iniaalok sa merkado ngayon ay may mga “side effects” o hindi magandang epekto sa katawan gaya na lamang ng mga napapabalitang nakapagdulot ng kamatayan sa ilang gumagamit nito.

Dept. of Health (DOH) -Phils. Slogan




Kung kalusugan ang pag-uusapan,makabubuting sinauna pa rin ang paraang sundin natin gaya na lamang ng panawagan ng DOH, yaong slogan sa itaas. 






Nutrisyon – ay mga sustansiyang nakukuha natin sa mga kinakain natin araw-araw. 
Hindi kailangang magpigil sa pagkain o magpagutom. Kailangan lamang ay wastong pagpili at pagtantiya sa kinakain. Hindi kailangang maging eksperto, magagamit natin diyan ang kasabihang “Anumang kulang o sobra ay masama…” at sundin natin ang food pyramid na kung saan ang mga taba at mantika ay nasa maliit na bahagi; mga prutas at gulay ang siya namang pinaka-madaming dapat kainin at mga karne naman (isda, manok, baboy o baka man) ay nasa gawing gitna – huwag na halos wala at huwag naman damihan, tamang-tama lang. Makatutulong din ang pag-iwas sa matatamis gaya ng mga cake, salad atbp. dahil mataas lamang ang taglay na kaloriya ng mga ito at kung wala ka masiyadong gawain ay hindi ito matutunaw ng katawan mo at magiging “taba” lamang.

Kalakip ng balanseng pagkain ay ang pag-eehersisyo upang makamit ang malusog na pangangatawan at tamang timbang. Ang ehersisyo ay halos hindi nangangailangan ng taling oras sapagkat may mga gawain sa araw-araw na katumbas na rin ng ehersisyo sa mga gym. Gaya ng paglakad ( hindi ba’t ito ang inspirasyon sa pagka-imbento ng  tread mill?!). Kung malapit din lamang ang pupuntahan ay maglakad na lang kaysa sumakay pa. Ang pagbubunot ng sahig, paghuhugas ng pinggan, paglalaba  o kahit ano pa mang gawain na kumikilos ang katawan ay matatawag ding ehersisyo.  May ilang libangan din na maaring maging ehersisyo – ang pagsasayaw, paglangoy at pamamasyal. Habang kumikilos tayo natutunaw natin ang mga kinain natin. Minsan nagtataka tayo bakit yung iba malakas kumain hindi naman tumataba, kasi nabu-burn niya ang kanyang kinain. Halimbawa kasi ang isang home-made burger ay may kaloriyang 200, naglaba naman siya – hlimbawa din naman ang paglalaba ayon sa “calories’ chart “ na inilimbag ng mga eksperto sa kalusugan at siyensiya ay nagsasabing ang katumbas na calories na tinutunaw nito ay 200 din, walang maiiwan sa katawan na magiging deposito lamang ng taba. Bawat gawain ay may katumbas na enerhiyang kailangan upag maisakatuparan gayundin naman ang pagkain may katumbas na kaloriya upang matunaw ng katawan ng tao. Kaya kung sobra ang timbang mo sa ngayon, tapatan mo ng ehersisyo bawat pagkain. Kung kulang naman medyo dagdagan lamang ang pagkain ngunit tiyaking may mga gawain pa rin sa maghapon kahit papaano.

Dapat nating tandaan na sa wastong timbang, disiplina ang kailangan.Disiplina sa pagkain at paggawa, kung magagawa natin ito possible at may pag-asa na ma-iwasto ang ating timbang. Ang timbang ay nakadepende sa ating idad at taas o height. O, silipin na ang pamantayan mula sa DOH at tignan kung dapat ka bang magdagdag o magbawas ng timbang.

No comments:

Post a Comment